"... and she only reveals what she wants you to see
she hides like a child, but she's always a woman to me ..."
-- billy joel, she's always a woman
she hides like a child, but she's always a woman to me ..."
-- billy joel, she's always a woman
i remember yeizterday da world was so young, yang si mudraness kong yan, mula nung mai-iri niya akiz sa mundong itich, e ginawa niya nang misyon sa buhay niya yung hanapan ng butas yung pagka-lulurki ng lola mo. pagka-lulurki talaga hehehe
eh siyempers, na-vulca seal ko lahat yan. aba! aba! aba! san ka pa, davah?
nagsimula iteklavu nung ma-sightsung niya si watashi na saya-sayahan habang naglulumandi ka-join yung mga jinsaners kong gurlaloo na nagbabahay-bahayan sa jilalim ng puno ng mangga si probinsiya naming nag-eexport ng mga merMAID tsaka mayda-fatalle (katulong). sixtacles sa mga naging shotulong namin noonchi e nanggaling don: si gina na nagsasalita mag-isa, si merly na waing effort sa pag-iba ng kulay nung mga labahan, si nympha na nagmamaganda pag wai sina munji sa balur, si jocelyn na warlatik sa mga pinggan tsaka baso, si manang na tumitili tapos hinihimatay pag nakaka-sight ng dugo sa tv, tsaka yung pinaka-malandutay sa lahat na si juvilyn.
"anak, bakla ka noh?"
"hindi po, lalaki po aku," say ko, habang naghihiwa ng talbos ng makahiya, pansahog sa sinabawang gumamela sa munting balur-baluran namenchi.
"anak, bakla ka noh?"
"hindi po. bakit po?" phone in question ng lola mo.
"kasi naka-pilantik yung daliri mo pag humahawak ng tinapay e."
sagot ko, "pag lahat ng daliri ginamit ko mapipisat yung tinapay. sayang naman. hindi tayo mayaman, inay."
"anak, e may pilantik ka din pag humahawak ng kutsara."
"mudra, ganon talaga. dudulas yung kutsara e. baka magka-bisita."
"anak, ano yung mudra?"
"basta! hindi ako bakla!"
"bakla ka e ..."
"hindi nga ..."
sabay quarter turn tsaka walk-out.
eh nung binaylahan ng muk-up yung shupatembang kez, azz in yung eye shadow tsaka pang-blush on talaga, jinggit-jinggitan lola mo to da highest haliparot level.
bunso: kuya, make-uppan kita ...
wanda: (may poot) eh kung sapakin kaya kita. anong akala mo sakin? bakla?
bunso: (parang nalugi) sige, si ate na nga lang.
wanda: diyan ka lang. ako magme-make up sayo.
enter ang dragona.
"anak, anong kabaklaan itu?"
quarter turn. walk-out. may kasamang pagdadabog na itu.
"anak, bakla ka noh?"
"tantanan mo na ko, inay ..."
"sumasagut-sagot ka na ha! sinturunin kaya kita."
"bente-uno na kaya ko, inay. mas malaki na nga ako sayo e."
"bakla ka e. may mga picture ka ng lalaki sa wallet mo!!!"
"barkada ko lang yon? eh bat ka ba nangingialam ng gamit?!?"
quarter turn. dramatic exit papuntang kwarto para hagilapin yung lecheng wallet na yan pati yung mga mapanirang picturraka!!! at nadiscovery channel ni atashi yung mga larawang ikinaloka ni munji: 3x5 fityur ni dao ming su tsaka ni hua ze lei tsaka kalendaryong dyutay wit da fez ni da piolorific. PLANGUSH!!! nyorkada pala ha.
"anak, bakla ka noh?"
bet ko na talagang sumagot ng isang uamaalingawngaw na PLANGAK. pero wit. baka si munji biglang ma-hart attack.
"anak, eh bakit kunsinu-sinong tumatawag ditong lalaki? kahit gabing-gabi???"
"anak, bakit wala ka pang gel-pren???"
"anak, nag-aadik ka ba???"
"anak, magkaka-apo kaya kami sayo???"
kung knows mo yung talak powers ni munji, maiintindihan mong kaka-imbei na talaga itiz. lalu na kung yung fone-in questionz e tuwing magkakasalubong kami. imajinin mo na lang, sinlaki lang ng balur ng kalapati yung balur namin. may puting flag din, para hindi kami maligaw ahihihihi choz!
"anak, nanlalaki ka noh???"
eto, nag-jinit talaga tenga ni watashi. nung umeksena yung tanong na iteklavu, nagkakalabuan na kami nung jowa ko non. na-discovery ko pa na havs siya ng kinakalantaray. tapos tatanungin ka pa ng mudra mez tsaka pagbibintangan na nanlalalaki ka, eh samantalang ginagago ka na nga ng jowa mo.
eh bet ko non sabihin na talaga kay maderaka. baka kasi maintindihan niya akiz. baka maawa. baka manahimik na siya tapos baka ma-giblaban akiz ng words of advice. o kaya ma-embrace man lang sabay chikka na, "hayaan mo na yan, anak. madami pa diyan e."
na-remembranz tuloy ng lola mo yung monument na pina-showag nung hayskul yung mga parental guidanz ng mga vehkla. wa kaalam-alam si munji na ganon yung eksena. kala niya awarding ng best in math (asa pa!). kaya may gulat factor itu.
may i cry si munji nung sinabi na yung kabaklaan daw e reinforced tsaka encouraged na behavior. madalas ng mga mudra o pudra o kahit sineklavung nakapaligid sa kanya.
kaya ayun, naging madrama na yung eksena sa vehykla convention.
say ni mudang, "partly guilty ako, kasi nung bata pa yan, binibilhan ko ng lutu-lutuan, inaayusan ko ng buhok, binibihisan ng pambabae. bata pa siya non e. hindi ko alam na may bahagi na pala ng pagkatao niya na hindi ko kilala ... huhuhu ... binilhan ko pa nga yan ng barbie na lalaki e."
yung ibang vehykla, super himas sa balikat tsaka pisil sa hita tsaka hagod sa likod ni atashi, na may bulong pang kasama, "swerti mo naman, bakla ..."
si munji, kuma-cryola pa din, sina-sight lang nung ibang mga parental guidanz.
hindi akiz makapag-quarter turns sabay exit non. kasi naawa akiz tsaka najijiritate na sinisisi ni munji yung sarili niya sa isang bagay na wai naman kaming kontrol pareho. imyernadette cembrno pa akiz kay mudang non, e wit ko kasi najisip na mahirap din pala iteiwang pinagdadaanan niya.
"anak, bakla ka noh?"
wirit ko nire-replyan yung tanong ni munji, azz in todo iwas tactic itu, kasi bali-baliktarin man yung mundo, vehykla pa rin ako, at wichelles niya mabe-bettan kung anek man yung isasagot ko.
tsaka pag wit akiz sumagot, hindi lang yon dahil sa natatakot ako. siguro gusto ko lang sana andon pa din yung ilusyon na yung unico niya e iho talaga.
6 comments:
Hi.did you go to an all boys school back in highschool. I know a similar situation back at my school kasi...malay mo?ka school ko palasi wonderful wanda:)
bwa haha. da best entry ever! kakalokah ka bakla napaka-sarap ng buhay mo bwa haha! eniweiz ganyan naman talaga. mas maganda kung merong secret-secret-factor lalo na sa mudang or pudang o sa sinuman sa familia encantada.
kahit obvious na! mas maganda kung pa-secret effect ka. para dramatic ang eksena...
hehe! bongga ka tlaga wanda. i love ur blog.
nakaka-relate ako sa yo wanda...
ang hirap lumantad.. napakahirap...
hi wanda! first time ko magcomment pero matagal tagal na rin akong nagbabasa ng mga entries mo :)
panalo ang entry na ito. :)
you go girl! [hehehe]
ang galing galing talaga wanda. ang husya mo lola...
Post a Comment