apter 48 years na wa chikka at wa pagpaparamdam, may i phone in ang lolo alpha mo.
kuririiiiiiiiiiiiing!!!
shempre, gaya ng ibang chikkahan, nag-umpisa yung samin sa kamustahang punung puno naman ng plastikan. kumbaga pormality lang. parang pag lumalapang ka tapos may ibang tao, sasabihin mo, "uy! kain tayo!" pero wa ka naman talaga balak mag-share. pormality lang.
wanda: OI! kamusta ka na? (pero ang truligenik na linya ko diyan e, "himala, nabuhay ka ..." pero kasi grasyosa ako ...)
shempers, knowings na ni watashi ang salmo responsario ng lulurki.
alpha: eto, ok lang. ikaw, kamusta?
kasi nga yun talaga yung sagot sa tanong na "kamusta ka?" yung "eto, ok lang. ikaw, kamusta?" pag sinagot mo rin siya ng "eto, ok lang. ikaw, kamusta?" at sinagot ka niya uli ng ganon, may kutob na kong mga adik kayo.
eh wirishima ko bet sumagot ng "ok lang din." para maiba ...
wanda: well ... mababa kita ng parlor. gawa siguro nung bagyo. puro bagyo kasi. andami pang nawalan ng tirahan. gawa nung bagyo. si itay, mukhang mawawalan pa ng trabaho sa tate. gusto ko mang sisihihin yung bagyo e mashado na daw talagang matanda si itay para maging empleyado. tapos may sakit pa ko. trangkaso ata to e. e wa kong pambili ng bioflu o nung dulcolax o kahit centrum, para at least ma-feel ko man lang maging complete ... ahihihihi
sagot sakin ni alpha boy ...
alpha: ewan ko sayo, taenang to.
ang totful naman. siksik, liglig, umaapaw sa simpatiya, davah??? sabay ...
alpha: OY! may kukwento ako sayo ...
wanda: OY! ano yon?
alpha: OY! makinig ka!
wanda: OY! sige ba ...
alpha: hulaan mo kung ilang beses ako linabasan kagabi ...
wanda: bente kwatro.
alpha: pucha! parang hindi ka na nag-isip ah.
wanda: uu. isa kada oras. kasi yung nota mo, parang balita, hindi natutulog hahahaha
alpha: shempre, may pahinga yon. kumpleto naman tulog ko. 12 hours ahehehehe ...
wanda: 12 hours? ano ka? sanggol?
alpha: gusto ko pa kayang tumangkad ...
wanda: so doseng jerjer to, ganon? ay! onse na lang, para kunwari may lunch break.
alpha: adik ka, tatlo lang naman.
wanda: tatlo sa isang gabi? (panalo sa high-pitch yung "gabi," ka-level ng sipol ni nina)
alpha: oo nga. tatlo nga. gusto mo ulit-ulitin ko? tanga ...
wanda: taenang to. ako, buwan na bilangan ko ng el nino. azz in katigangan to da highest nagbibitak-bitak level. samantalang ikaw, nakakatatlo sa isang gabi? ano to, kuya germs, walang hugutan, walang tulugan?
alpha: oy. in fairness, hindi naman ako nag-enjoy e.
wanda: sa lagay na yon? sa tatlo, alpha, tiba-tiba na kaya ko don.
alpha: eh kasi yung unang naka-jerjer ko ...
wanda: HUWAAAAT!!! (napa-standing ovation ang lola mo. oi! hindi ako tinigasan ha. azz in akiz talaga yung napatayo.) so hindi lang iisa itu?
alpha: naiinggit ka ba o nagseselos?
wanda: naiirita ako dahil walang hustisya! hindi na makatarungan to talaga. ang halay mo, alpha. ang halay-halay mo. nangangati yung talbos ng gabi sa kalandian mo.
alpha: MAKINIG KA! ganito yon. kasi yung una, na-meet ko lang. bata tsaka maliit sakin ng sobra. parang desi sais nga lang yon e. pero hindi desi sais. parang lang. pero working na. tapos sabi niya punta daw kami sa pad niya. siyempre alam ko na yon.
wanda: eh ano pala yon?
alpha: jerjer time na yon. tanga ka?
wanda: ambilis naman kasi. walang hi tsaka hello. jerjer agad.
alpha: anong magagawa ko? sabik sakin eh.
wanda: ang kapal ng mukha ..
alpha: eh nung on going na yung jerjeran, humalinghing bigla ..
wanda: wow! ano daw sabi? ano daw sabi? (hindi naman mazhadong excited ang bektas ahihihihihi ...)
alpha: sabi niya (tapos pinaliit ni alpha yung boses niya). "alpha, wag. masakit. please, tama na. masakit yan! ansakit!"
wanda: potah! best dramatic actor in a porno role yung ka-jerjer mo.
alpha: hahahaha eh di ako naman itinigil ko. baka sa ospital madiretso yon e.
wanda: alpha, kalma ka lang. wag mashadong mag-feeling daks ...
alpha: eto ka pa. sabi niya sakin, "hey, bat mo tinigil?" sabi ko naman, "eh sabi mo masakit." sagot ba naman sakin, "ano ka ba?! expression ko lang yon. tuloy mo lang ..." gago! kaka-TO ampotah! bwahahahaha ...
wanda: nyahahahahaha adik!
alpha: sabi na matatawa ka e ... so tinapos ko na lang, para matapos lang. alam mo yon. tapos umalis na ko. as in madalian. tapos nag-text ako uli sa mga fubu ko, kasi parang hindi ako natuwa. kelangan ko ng isa pa. eh ang kaso lahat naman hindi available bigla.
wanda: bat ako, wala kong natanggap na text?
alpha: ulul! puro ka ganyan. puro ka naman salita kasi. eh may sumagot naman sa text ko. dati pa nagte-text sakin yon. di ko lang siya maalala talaga. eh di mi-neet ko. desperado na ko e. nung magkita kami, naalala ko na kung bakit hindi ko siya maalala.
wanda: hmmmm ... panget noh??
alpha: wala ako biglang maisip na positive na adjectives. bukod sa maitim siya. maitim talaga, wanda.
wanda: ansama mo! black is beautiful kaya.
alpha: oo, sa kabayo tsaka sa buhok, black is beautiful. pero yon, pwera biro. pinapatay ko yung ilaw, para hindi ko na lang siya makita, aba, hindi ko na talaga siya makita. ang inisip ko na lang baka magaling magbalanse ang universe. baka yung kakulangan sa packaging e kayang bawiin sa skills. eh hindi rin pala. ansakit. tumatama sa ipin.
wanda: ay! bagsak sa oral exam ito! nyahahaha! buti hindi mo pinag-retake hehehe
alpha: di na uy ...
wanda: kelangan i-retraining ito. nakakahiya ahihihihi ...
alpha: pagsabihan mo nga yon. nung asa kotse na ko, tinignan ko talaga si manoy ko baka may sugat.
wanda: lagyan mo ng band-aid. yung may mickey mouse na logo para cute.
alpha: sira ulo! eh yung pangatlo hindi ko talaga kinaya. naka-jerjer ko na yon dati. once lang. pero nung pumunta ako sa kanila, iba na talaga itsura. parang tumanda. pero 27 palang ata yon eh. parang natuyot lang na ewan.
wanda: parang sinampay lang pala, ganon? ahihihihi
alpha: tanga! ayos nga sana kung amoy downy o kahit tide detergent. pero, wanda, anlansa talaga ...
wanda: natural. bakla eh. pag bakla, malansa talaga matres non.
alpha: hindi ganong klaseng lansa. as in malansa talaga.
wanda: sigurado ka bang tao yon? baka galunggong yang na-meet mo.
alpha: ulul! pero wanda tiniis ko talaga yon.
wanda: yuck.
alpha: eh nangangati talaga ako eh, magagawa ko? pero kasi naglilipat siya ng apartment so wala na siyang mga gamit halos. kahit electric fan.
wanda: siryoso? eh di ang init non!?!?! tsaka ambaho. parang aquarium na hindi nalinisan ng 48 years.
alpha: sinabi mo pa. wag ka. ang sexy pa daw kesyo pawis na kami pareho. tapos nung nagsimula na kami, sabi ba naman sakin, ang alat daw ng pawis ko. tapos sabay tawa. ampotah! di ko lang masabi, amoy patis ka kaya, gago!
wanda: yuck! lasang tubig dagat ka pala alpha.
alpha: gago ka pala, eh pinagpawisan na nga e.
wanda: kahit na .. hehehe .. ang alat mo!
alpha: ulul! kahit yung mga matataas yung blood sugar, pag pinagpawisan maalat.
wanda: antaray niyo pareho. maalat tsaka malansa. asin tsaka patis, nagsawsawan ... nyahahahahaha!!!
alpha: (natawa na rin sa sarili niya si alpha) kaya walk-out talaga ko. sabi ko, hindi ko kaya yung init. tapos umuwi na lang ako.
wanda: ngek! kawawa naman yung isda. eh saglit! sabi mo tatlong beses? dalawa lang kaya yon.
alpha: eh pag-uwi ko, nag solo-flight na lang ako. taena, wanda, napagod lang ako. nakakapagod pala yon.
wanda: makatatlo ka ba naman sa isang gabi eh.
alpha: hindi yon ibig ko sabihin. yung puro jerjer lang.
wanda: ewan ko. nakalimutan ko na feeling e. tigang nga ko, di ba?
alpha: parang napapagod na ko sa ganon, wanda. gusto ko nang lumagay sa tahimik .. hehehe ..
wanda: gusto mo na mamatay?
alpha: tanga! may pagka-tanga ka talaga minsan no?
(pero nag knock on wood ako. may concern itu.)
wanda: hehehe eh bat hindi ka kasi mag-shota. at least yon, hindi ka na maghahanap.
alpha: naisip ko din yon shempre. gusto ko din naman yung feeling na kinikilig ako sa isang tao. eh pero kilala mo naman ako. kilala ko rin sarili ko. magsho-shota ako tapos kakatihin tapos papakamot sa iba.
wanda: eh bat di mo sa shota mo ipakamot?
alpha: eh hindi ako ganon eh. gusto ko iba-iba kumakamot sakin.
wanda: bakit?
alpha: hindi ko alam.
wanda: eh bakit nga?
alpha: wag mo kong tanungin kung bakit. kasi hindi ko din alam. basta ganon lang yon. ok na yung malibog na lang ako. wag lang ako lumabas na manloloko. kaya hindi na lang ako nagsho-shota ... kasi alam ko na ending non.
wanda: ganon pala yon?
alpha: oo, ganon yon.
wanda: eh bakit naging ganon yon?
alpha: taena mo! ewan ko sayo!
signal na yon para tigilan ko siya. kasi havs na ng siryus factor yung delivery nung huli. eh masarap asar-asarin tong si alpha, pero pag nag-siryus moment yan, siryus yan talaga.
alpha: tsk! tsk! tsk! hirap talaga maging hot ... hahahaha
hindi pala.
wanda: oo, mahirap talaga maging hot na maalat pa ... nyahahahaha!!!
alpha: taena ka nyahahahaha ...
Wednesday, August 29, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
18 comments:
Ay salamat - buo na naman ang araw ko..Salamat sa tawa Ate Wanda..c",) Regards - Homie
yucks! malansa! kadiri! magpaka-tigang na lang ako kung ganon ...
sawsawan ng kaalatan to the max. weheheh
parang ang hot ni alpha, hot na maalat. ha ha
hey wanda! tagal mo nawala ha!
tama yung sinabi ni alpha.. di bali na makati kesa naman manloko lalao na yung mag mamahal sayu...
seyoso! putik....
heheh! san pa meron book mo?
naiintriga naman ako kay Alpha. :)
putragis wanda, moment mo na yun eh...
hindi ko maintindihan - naghihintayan ba kayo? e kayo talaga bagay eh! diba paramdam na yun - sinasabi na sayong napapagod na sya sa jerjer lang?
in fairness, maganda me suspense. para masabik kami...
pero kung ayaw mo talaga...akin na lang sya. nyahahaha. ever since, el nino lang talaga alam ko...puro katigangan.
- yeyey
hahaha! panalo ka talaga wanda! sasusunod, dapat laging may dala si alpha ng pabango at wetones! para kung maalat at maantot..mapabanguhan nya agad! love your stories!
hahaha love it, i love this entry naalala ko yung bedfrend ko hahaha parang si alpha lang... teka san pa ba avail yung book mo? naghahanap ako sa booksale wala grrrr...
hahha y not. aba mamili ka, marcus na fresh o alpha na maalat? charot.haha
botohan na lang: mas gusto ko si marcus para sa yo wanda.
te, You always make us laugh!!!
hahaha!!!
Jan
Again, the promiscuity of gay men! HeHe. Advice lang, SAFE SEX sana 'yun. Always use some rubbers.
ateh wanda, anu ba talaga yang si alpha? lulurki ba sha o bektas din? ahehehehe!
after a while, may post uli tungkol kay alpha.. hehe.. sna c marcus uli!! uuuyy...
patulan na kc c alpha!! ayan at nagsusumigaw na ang potential nia oh.. di bale na maalat, pinagpapawisan eh.. kesa bagong ligo, maalat pa din..eeeww.. kaloka tong post na to!!:))hahaha
winnie santos over and over again!
hahahahha!
konti nalang, jerjer na rin kayo ni lolo alpha mo! go wanda!
eow! blog hopping lang, grabe yung ke alpha.. nakakatawa... natwa ako sa part na maalat at isda.. hehehe.. katuwa.. thanks sa blog mu nakakatawa tlga.. eheheh.. keep it up!!
Post a Comment