Friday, August 10, 2007

Katok ng Talakitok

anoveh!?! mother's day espesyal ba itey at puro si munji ang chikka ni atashi? CHOZ lang hehehe ...

yung maderaka ni atashi kasi e kasama sa henerasyong nalukaret sa amoy ng jovan, drakkar tsaka poison na wichelles naman kabanguhan, byondaciousness lang talaga yung botelya .. hehehe .. nabuhay ata siya nung havs pa ng ka-love team si mary walters at kasagsagan ng karir ni tito pepe kahit wa pang kwarta, wa pang kahon. CHAROT LANG.

e simpleng buhay na kay ganda ang trip niteklang munji ng inyong lola. yung mayrong ngiti. mayrong saya. hoping en wishing na kasama pati si manong ariel rivera. wit bet ni mujai yung kumplikadang buhay. kerri na sa kanya yung di-uling na kalan, petromax tsaka tv na gawa sa ginupit na karton ng sapatos. eh yung tanging teknolohiya na talagang na-enjoy ni munji e yung blender-tsina namin.

ultimo nyelpons nga, may talak yan e.

munji: ano to? sira yata tong cellphone na to e!?!?! (tapos wa nang prenong tumalak tungkol sa kamahalan ng cellphone tapos napunta sa mga isnatcher ng cellphone tapos napunta sa greenhills tapos nabalik sa isnatcher na nagbebenta ng neylpon sa greenhills hanggang sa tungkol na sa kahirapan na mauuwi sa mga prediksyon ni nostradamus tungkol sa end op da world. oo, nahahanapan niya ng konek yan.)

pagkalipas ng 48 years ng pagtatalak.

wanda: mama, hindi nga sira yan.

munji: eh bakit pag nagte-text ako iba-ibang letra lumabalas? may sariling utak ata to!?!?! (tapos tumalak siya uli tungkol sa teknolohiya na napunta sa mga bagetz na nagre-rebelde sa parental guidanz nilachi tapos mauuwi uli sa mga prediksyon ni nostradamus tungkol sa anti-christ. shet! sana makilala niyo siya para malaman niyong hindi akiz nagjo-joke.)

at pagkalipas ng isang siglo.

wanda: baka sira yung keypads niyan ...

munji: hindi nga e!?! ayos yan. sinasapian lang tong lecheng to.

at pinasuri sa soco yung nyelponella.

wanda: kaya naman pala e! naka-"dictionary on" ka kaya ganon.

sabay entra si ...

bunso: mama, ano po yung "discombobulation"?

munji: tingnan mo dito (sabay abot nung cp niya kay bunso). may dictionary daw to. pa-on mo uli, in-off ni kuya mo e.

mas kakalurki to da highest talakera factor nung may i play ng teacher-teacheran ang mga junakis sa munji kung pano mag kompyuter tsaka mag-interchorbahnet.

wanda: ma, may galit ka? keyboard yan, hindi typewriter. kalma lang sa pagpindot.

at natuto lang magpipipindot ng slight e nagmaganda na'ng maderaka at naghanap agad ng makaka-chikka. at sa YM pa talaga. shala, davah!

munji: anak, hanapin mo naman diyan sa internet si tiyo peping mo, para maka-chat ko naman siya.

wanda: ano?

munji: i-type mo lang daw pangalan ni peping tapos lilitaw na siya.

wanda: bakit, inay? ang pangalan niya po ba e google, ita-type lang lilitaw na?

munji: tanga! pepito nga pangalan ng tito mo. yun yung sabi ni tiya mercy mo eh. i-type lang daw tapos yun na. e malay ko ba sa mga inter-internet na yan.

wanda: inay, hindi ito lost and found na ita-type ko lang yung pangalan niya e lilitaw na siya. walang ganon.

munji: ang re-reklamador ninyo!?!?! bakit? nung iniri ko kayo, nagreklamo ba ko?? ang gagaling niyo lang talaga, e pag ako na nag-uutos ... (wit ko na ma-remembranz kung anetchuwara yung karugtong kasi sa lola mo sounds like na lang iyonchi ng achuchuchu achuchuchu achuchuchu ...)

aba, kelan lang, may i send si mudangers ng email-churvahness. susyalera, may pa-email email pa. ang loka nag-level up na. keme pa niya mag-send daw akiz ng mga kapapelan para hanapan daw aketchi ng employer sa US op A. HALA KA! may ganong tema.

aba! vahket naman akiz gogora doonchi? waing rampage don. ang bet lang ng lola mo, kung gumora man akiz sa tate, e bakasyon. hindi mag-alsa balutan. plentious akiz ng lulurking maiiwanan. wawa naman sila. kyembot! ahihihihi

pero wirishima iyoners yung nakakalurking eksena. kasi bukod sa wa bakas ni isang talak, wag ka, may "nagmamahal, munji" pa sa ending itu. pero wirit lang yan. dahil yung trulijenik na nakakawindang e yung email ad ni mudang. handa ka na ba? eto: tarzan_babe54@XXXXX.XXX.

YEIZTERDAY! yung mudang kez e si tarzan_babe54. mashonders na yan pero nakuha pang kumerengkeng at magpaka-tarzan_babe54. pero siyempers sounds like na lang yan. eh siguro kerri-kerri na yon kesa naman sa hot_mama69 ... ay, hindi rin pala. kakakilabot na, kakaloka pa. naga-adik na ata si mama.

naalala ko tuloy yung friendship nina frida na si danica, jisang pungguk-punggukang judingerz na ka-fez ni danica sotto pero shotawan ni val "agila" sotto. numero unong chatter tong si danica na madalas nakiki-chorvah sa kompyuter ng kuya mo. anlakas pang mangarir niyan sa chevernet, kala mo.

wanda: vahkla naman, vahkit naman sexyboobies18 (sounds like na lang din)yung nick mo? wit ka naman sexy, wa ka naman boobs, at ateh, gurami ka na, kahit bente singko, hindi ka na papasa.

roxy: pag bilog ang buwan, kuya, bumabata tsaka nagiging babae talaga yan.

frida: well kung ganon, walang buwan pala ngayon.

danica: sobra ka naman. parang swan princess yata ang drama ko, ning.

frida: anetch? aswang princess?

danica: wala kang childhood, lola? palibhasa first isyu pa ng lam-ang yung nasubaybayan mo. swan princess, nena, yung nagche-change costume pag nasisinagan ng buwan, ganon!

wanda: para palang tikbalang.

frida: eh di aswang nga ... nyahahahaha!!!

at nagtawanan kami hanggang matapos sa pagcha-chat si danica. umakyat-baba na yung buwan, wa namang nabago sa kaanyuan ni bakla. ewan ko ba diyan, ambisyosang talaba.

e wish ko lang naway dumating yung panahong magtagpo si tarzan_babe54 at sexyboobies18. baka sakaling masakyan nila isa't isa. eh, baka lang naman.

9 comments:

E.R. said...

panalo si mujai! hahaha..inaasahan kong may volume 2 ang fenk book mo neng! next time magenta naman ndi na fuschia para ibang shade hahahaha! kakabili ko lang kanina ng book mo! panalo.. nakakabitin kaya gumawa ka pa..

aries said...

tita ala ba sa cebu ang aklat? ala sa nbs...

...classmate pala sila ni mother koh. nagiging blah blah blah rin ung mga talak nya hahaha

lukah said...

haha! kaloka c madir. ngpabili na po ako libro nyo. sana meron.

Anonymous said...

hahaha... kakalokah. ansaya siguro diyan sa bahay niyo pag anjan ang mujai???

Anonymous said...

lukaret ang mudra mo kuyaaa wahahaha tarzan_babe ampooots... kung sa mujai q nangyari yan baka mapatambling aq wahahaha feeling youth eh :D

Anonymous said...

hahhaa..munji ko halos ganyan.nakakwindang mga maderaka nowadays!!! kumukulot buhok ko!hahaha

indichrome said...

baka mudrax mo ang nawawalang kakambal ng mudra ko hehehe
ay lab yu poreber wanda!

travelphilippines said...

kaloka c muder.

Anonymous said...

manay! panalo ang buklalosh mo! kaloka ka talaga! keep it up!