"if you want to be understood, listen ..."
-- babel
-- babel
may na-resib akeiwang text kaninechi. number lang. umagang-umaga, nambu-bwisit na.
textmate: san n u? hir na me hehe
wanda: hu u?
textmate: hu u?
wanda: u tex me 1st. hu u?
textmate: hu u?
wanda: ewan q sau. rong snd k ata
textmate: nyahaha mali spelng mu.
wanda: wa q paki. smali k kya quiz b. bka mnalo k
textmate: aga aga splada
wanda: hu u b?
textmate: eh hu u dn b?
wanda: kinang ina, bhala ka
textmate: sex tau
wanda: eh hu u muna? ;)
textmate: landi mu. si (alpha) to. save m bgo ko #. tnx
AMPOTAH!
dahil sa puyatan ni alpha tsaka nung bagong wetpaks sa buhay niya e minsan wit na daw niya maasikaso yung mga cliyente niya. isa na dito si ms. conda. hindi itu joke. meron talagang muherlalei na ang nyongalan e ms. conda.
tinext ni alpha yung prenship na asikasuhin si ms. conda kasi magha-half day lang siya. ang mali ni alpha, hindi niya nasabi ang pers name ni ms. conda. si prenship, nag-assume na lang.
prenship: hi! thank you for stopping by sa office namin. sorry nag call in sick kasi si (alpha), kaya ako na po muna aasikaso sa account ninyo miss ... er ... miss .... anna?
anna conda bwahahaha!
hindi nga itu joke. naganap talaga itu. at havs ng taong ganon talaga apelyido pero in-assume kasi ni prenship na anna pers name niya. wit mashadong bright si prenship e.
na-imagination ng lola mo na may bahid ng yamot at pagtataray yung isplukara ng muher. kasi kung conda ka nga naman, malamang kulit na kulit ka na sa anna tsaka asar-talo ka pa lagi.
ms. conda: NO!! (TARUZH!) its jinky.
prenship: oh, yeah, right, ms. jinky. JINKY ODA?!
ms. conda: babalik na lang ako. SALAMAT na lang.
SHUNGA-SHUNGA!
nakasakay ko kanina sa fx, byaheng pauwi mula cubao-cheverlyn, duwaching vehyklavich na bagets, na yung outfit pam-balay lang. slight gusgusin yung epek. at ayon sa mga bali-balita, gugora silachiwa ng riverbenks para magsanla ng nyelpons.
tulug-tulugan kunwa ang lola mo pero nakiki-chorbah na sa chikkahan.
bakla1: kamusta naman kayo ng jowa mo? antagal niyo na rin.
bakla2: 2 weeks. eh nagkakalabuan nga kami.
bakla1: aba bakit naman?
bakla2: bisi-bisihan kasi siya lagi. kainis.
bakla1: intindihin mo na lang. nagtatrabaho yung tao.
bakla2: ako nga, araw-araw hanggang sabado may pasok pero nage-efort ako na ma-"gud am na u" tsaka "kumain na ba u?" ko siya. siya tong deadma. parang ayoko na, frend.
bakla1: swerte mo nga sa jowa mo e, yung akin crew na nga sa wendys, sagutin ko pa pang-uniporme. ayan, gudbye cellpown (8250 itu, nasipat ni atashi). magkano kaya halaga neto?
bakla2: ewan. may isan-libo din siguro yan.
bakla1: morayta (mura) naman. eh asan ba jowa mo?
bakla2: ewan, may rampa daw sila ngayong summer.
bakla1: ganda! saan?
bakla2: sa boracay daw. ewan ko sa kanya! nung huli naming text nanghihingi pa ng 300 load. minsan na lang mag-text nanghihingi pa. MODEL PERO WALANG PAMBILI NG LOAD!?! ano kaya yun?
bakla1: model ba siya ng ano?
bakla2: ng bench. tsaka kung anu-ano pa. ANG KAPAL TALAGA NG MUKHA!!! NAPIPIKON AKO, BAKLA!!!
bakla1: mag hunusdili ka, yung blush-on mo. Yung blush on mo.
bakla2: eh naawa naman ako. kaya pinasahan ko ng singkwenta. sabi ko, yan lang muna.
bakla1: model ba talaga yang jowa mo?
bakla2: OO. yun yung sabi niya eh.
bakla1: nagkita na ba kayo niyan ever?
bakla2: sa personal? never pa. pagbalik na lang daw niya galing boracay.
bakla1: AH OK! (yung "ah ok" nung isang bakla e kala mo kumpirmasyon ng isang malupit na pagdududa na yung prenship niya, gaya ng lola mo, e may tatak ilusyunada)
ANTAYOG!!!
kwento ng friendship ko, yung isa nilang ahente pumwesto sa isang shala-shalahang espasyo sa market-market para gumetching-getching ng cliyenteng mau-utong bumayla ng condo.
may i lapit daw yung ahente dun sa matronix na nagmamabagal kasi nga nagte-text.
ahente: hi, ma'am, ang ganda-ganda naman ho ng cellphone niyo.
napatingin lang daw yung matronix sa ahente, sabay bulsa ng nyelpons.
matronix: GARD!!! GARD!!! THERE'S A SNATCHER!!!
nataranta si ahente. wit na nga nakabenta, makukulong ever pa.
BAGANSIYA!!!
may i call kanina sa balay si adrian, hindi tunay na pangalan pero katunog din. at gaya ng ibang vehykla na dumadanas ng semana santa sa sodom at galera, na-humaling si adrian sa isang lulurking pang isang linggong pag-ibig lang pala drama.
yung take ko diyan e nirampa lang siya ng lulurki sa aplaya at pinagparausan sa batuhan ng jurassic park. kasi naman pagdating ng maynila, gudbye aray na yung island boi kay adrian.
wanda: gurl naman, di ka pa nasanay.
adrian: eh OK-OK naman kasi kami nung andon eh. sabi nga niya baka ako pa daw hindi makipag-mit sa kanya pagdating sa manila.
wanda: ganda mo, ning.
adrian: tapos ngayon tinatawagan ko siya sa cell, laging kinakansel. hindi pa sumasagot sa text. bakit ganon? pero sa galera gustung-gusto niya ko.
wanda: baka sa galera ka lang maganda. subukan mong humilata sa kalsada. parang nagsa-sun bathing, ganon. baka biglang mag-call wait satin ngayun yon.
adrian: siryoso ako.
wanda: bektas, akiz pa kinajusap mo. wa ko siryosong sagot sa mga ganyang chikka.
adrian: wala lang. nakakapag-taka lang kasi.
wanda: nena, (sabay ratsada ng bunganga sa isang hingahan) sa panahon kasi ngayon parang ambilis lahat. kelangan mabilis ka mag-isip. pag nagbago panahon, Flang! Flang! Flang! kelangan mabilis ka din mag-adjust.
adrian: ambilis mo magsalita.
wanda: pagkain ngayon, mabilis na din. fastfood yung in. kaya nga may mcrice burger davah?! para dun sa mga wit na keri lumapang ng pak-lunch. ang gwapo nung model non. yung kalbo, sinu nga ba yon?
adrian: hindi ko kilala. OH tapos?
wanda: eniwei gokongwei, basta ngayon lahat instant. instant noodles, instant miryenda, instant derma, instant wart removal, instant whitening, instant renewal ng NBI clearance.
adrian: parang instant gratification?
wanda: parang ganon. kitams, ambilis mo mag-isip. may tama ka! tapos andami mo pang options. parang cellphone. ilang buwan lang may bago na namang lalabas. andaming pagpipilian. may camera o wala. may radyo o wala. may tv o wala. may ref tsaka aircon o yung tipo bang pambigay sa hold-apper. feeling ko darating yung panahon na yung cellphone pag binuksan mo nagiging bahay o kaya trak. PANALO! pero syempre kunganufamanyan mas gusto mo yung bagong labas, davah?!?! so exchange ka ng phone. ibebenta mo sa iba o trade in o kaya isasanla mo o kaya itatago mo para havs ka ng extra pag na-matus. basta ganon. eh tini-train tayo na maghanap ng mas bago. ng mas mataas na model. yung mentalidad na wag makontento kasi may lalabas at lalabas na bago. PUNYETA!
adrian: so iniwan ako ng boylet ko dahil sa ...
wanda: nokia. kurek!
saylenz.
adrian: tanghaling tapat, bakla, lasing ka ba?