Friday, February 09, 2007

Wanda para SENADOR

matayog ang lipad ng saranggola ng vehykla, noh??? nyahahaha

naisip ko lang kumandidato para senador. KAKAlokah, davah? wala, naisip ko lang. kaya super search ang lola mo ng magpopondo ng palatastas ko sa tv. nau-uso ata yan. para sumikat-sikat naman ng slight. vehykla na nga akiz, laos pa hahahaha

medyo low-budget lang itiz siguro. pwedeng emergency light tsaka nyelpone na havs ng camera lang ang gagamitin kez sa shooting hehehe
pwede na yon, wichelles naman akiz pihikan.

iteklavu ang iskrip, kung interesado ka mag-invest. (ilusyunada talaga ampotah!!)

ogie diaz: mahalin mo ako

ricky reyes: dahil ang ganda-ganda ng lola mo

john lapuz: dahil si sweet ako

ate gay: hindi dahil jortista akiz

pooh: o dahil natatawa ka sakin

ogie diaz: mahalin mo ako

ricky reyes: dahil akiz ay vehykla

pooh: isang komedyante

ate gay: jowa

ogie diaz: junakiz

john lapuz: tv host

frida: minsan, banko sentral

roxy: guro, team lider, presidente ng kompanya, manunulat, direktor, parlorista, dancer, singer, karpintero, arkitekto, en-hin-niyero ... vehykla, ano yun?

pooh: labag sa batas

ogie diaz: ang pang-aabuso sa vehykla

frida: pero waing ganon

roxy: inimbento ko lang

wanda: kami-mechi ang nagpapaganda sa inyo, nagpapatawa pag wa kayo sa mood, nagtiya-tiyagang jumoin-sung sa inyo pag wa na kayong friendships, nagta-trabaho, nagpapaikot ng mundong nangangailangan ng make-over. dumi-debbie gibson ng anjus, pang-kabuhayan showcase o kung anupahmhan nang hindi naghihintay ng kapalit. kasi matulungin kami sa mga maji-giraffeeee hehehe mapagmahal ... nasasaktan ... nagtiya-tiyaga ... nadadapa ... may paninindigan ... maganda ... ilusyunada ... ako si wanda.

john lapuz: kaya mahalin mo ako (with matching pouching lips tsaka silvery shining shimmering splendid na eye shadow)

ENTER MUSIC (na sininggaling ni ate lani misalucha): "ang WANDA kooooo!!! feel na feel ang long hair ko ... ang WANDA kooooo!!!!"

ECHOSERA!

IBOTO si WANDA -- ANG MR. PARLORISTA -- sa darating na eleksyon. o kaya sa Filipino Blog of the Week, kerri-kerri din don hehehe

No comments: