shombay akes kaninechi sa my fullybooked, sa gateway. shombay na literal. kunwari havs ng bibilhin pero chikka lang. pasight-sight lang ang drama. basa konti ditech. ginugulo ko lang yung ayos nung mga libro nila.
tapos na ispottan ko yung isang magazine. time ata yon. tapos na-sight ko yung article tungkol sa otokiz at kung paano siya nabuhay na may nakakatawang pangalan. di ko ma-remembrance yung title pero mahaba tsaka jinglish.
pero nung na-sight ko yung name-sung nung otokiz, nakakatawa talaga. wiz mo kailangan josahin yung write-up, getz mo na agad.
mai-imagine mo agad yung sumpa nung bata siya. kasi nung bata ka, alam mo, na pag havs ka ng classmate na nakakatawa yung apelyido e tinutukso mo ng todo. kahit korn-ng-korny ka sa hirit mo, nang-aasar ka pa din kasi its olweys da tot dat cownts
kasi naman. ang pangalan ng otokiz e (READER'S DISCRETION IS ADVISED) "james pecpec."
ewan ko. sorry ha. mababaw lang siguro, pero natatawa talaga ako. james pecpec. pecpec, james. di ba? ahihihihi
na-imagine ko kasi kung akez yung teacheraka niya, tapos attendace, maa-aning akez. di ko alam kung pwede ba akong kasuhan kung sabihin ko yung apelyido niya o baka sabihan akong bastos. for sure, di ko mapipigilan. tatawa talaga akez. ok lang sana kung katunog lang e. o medyo malapit na medyo hindi. pero hindi. pinalitan nga ng isang letra pero ganon pa din ang tunog.
pero in fairness, binigyan siya ng first name na slighly sozyalin ang dating. james. shala, ka-level ni james cameron, james bond at ni james cooper hehehe james. james pecpec ahihihihi hindi, sorry ha, nakakatawa pa rin talaga nyahahaha.
hindi naman niya kasalanan yon di ba? gaya ng iba pang mga sadyang pinanganak na markado.
havs akez ng friendship na teller sa bangko. chikka niya, one time daw may nag deposito sa kanila ang apelyido daw e "cupal." isang letra lang na naman. natawa siya tapos pinakita niya sa co-teller niya yung pangalan nung cliyente niya. e si co-teller ayaw magpatalo. wala ka sa lolo ko, sabi. pina-sight din niya kay friendship na teller yung name-sung ng cliyente niya -- "deregla." san ka pa, di ba? si cupal at si deregla, sabay nag deposito.
pero malakihan naman daw magdeposito ang mga hitad. kaya majijiya kang shomawa, kahit papaano. baka sampalin ka ng pera.
eto medyo mababaw, pero nung college, may kaklase yung barkada ko sa SOC SCI 1 na ang apelyido, ayon sa propesora nung attendance e "A-B-C-D-E." shonga, di marunong magbasa. mga letra sa makabagong alpabetong pilipino. e ang totoo "abcede" ang apelyido (bigkasin, handa? go! ... ab-se-de ... beri gud! beri gud!)
kaya ako, pag nagkaanak, papangalanan ko ng letra lang din. gaya ng "NG" o "ENYE" (di ko mahanap sa keyboard) para tunog lang pag tinatawag hehehe o kaya "GRRR" para may halong galit o kaya "TSK" para may inis tapos "TSK TSK" nickname niya. para inuulit, parang ron-ron o jun-jun o weng-weng. eto "TSK TSK" hehehe
sa MATH36 naman, yung subject na minasteral ko nung college kasi sa unang take ko may shotabe akong gwapito mahirap mag focus, nung second e mashadong maaga ang sked para mag math, at yung pangatlo kasi wala na akong choice kundi tapusin kasi bibili ka lang ng ticket sa concert may plus points na sa exam, pinakyaw ko. masteral, pwede na nga ata akong magturo non e. eniweiz, don sa klase kong yon, malaki kasing klase yon, mapapalingon ka talaga at hahanapin mo kung sineklavu ang may-ari nung name-sung -- phillip salvador.
pag attendance time, sabi ni propesora, "salvador, phillip!" maririnig mo talaga yung bulungan ng mga tao, "sino yun? sino yun? siya ba yon?" tapos sumikat rin siya sa pangalang "ipe." di ko siya naging friend. one time lang siya nag math e.
eto, wag ka. nung elementary. havs akez ng skulmate na ang apelyido e "labatete." swear. pag kinukwento ko to, hanashi nilachi e imbento ako daw. pakita ko pa yearbook namin e makita mo hehehe. yung bestfriend niya non e "naku" naman apelyido. pwedeng mabago ang pagtawag sa kanya depende sa mood mo. pwede "NAKU!" pwede ring "nakuuuuuuuu" o kaya "nakow!" o kaya kung pa-cool ka "naks"
balik tayo kay labatete, dami ko segway. dahil don sa apelyido niya, madalas siyang inaasar. tapos pag inaasar siya, ipapasa niya sakin. ako naman ibu-bully niya. tapos iiyak ako. tapos ayaw ko nang pumasok para manuod na lang sa balay ng analuna forever at maiinis sa mag-shopatid na sina macy at eunice at sa madreng tumanggi sa mana niya kasi magi-isponsor na lang siya ng ms earth beauty pageant. haay, nawala na naman ako.
bale nung hayskul na kami, nabalitaan namin na yung mudra nung skulmate kez, si mrs labatete, e slightly warlatik at nag fly sa skul dahil yung junakers niya wiz na daw bet jumosok. dahil binabastos siya at yung japelyido nila. kung mudra ko yon, malamang pina-hoy gising pa yung isyu.
kasi ang chikka, sabi ng mga skulmate kez na ang da best daw na mapapangasawa ni "labatete" e si "kulapepe." na-badtrip si "labatete" sa concept ng "labatete and kulapepe nuptials" hehehe nakakatawa pero kung ikaw yon, maiinis ka rin talaga (at maaawa sa mga susunod na henerasyon). titingala ka sa langit at magtatanong, "bakit ako pa?" tapos lilingon ka sa mga magulang mo, "oh, bakit nga ba?" tapos magtataka ka, sino nga ba nagdesisyon noon ng mga apelyidong ganito, davah? pag pinalitan mo naman ang haba-haba ng proseso, dadalhin pa sa kongreso tapos pagdedebatihan nila hanggang alas singko. tapos pag di bet ng iba yung pinalit mo magrarally sila at magpe-prayer meeting ang el shaddai para sayo hehehe
kaya para kay james pecpec (ahihihihhi), di ka nag-iisa. marami pang iba. at least interesting ka at nasulat ka na sa magazine.
Saturday, December 09, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
Syempre noh! Boring kaya ang buhay kung walang bakla. Yung nga lang masaklap kung ang fafang gusto ko eh vaklush din pala. Huhu!
Napanood ko na rin ang Ze Muzikal at nabasa ang graphic novel. Buti naman at nagsimula ka na magsulat. :)
ate, how about yesterday sa isang vintage store, habang tinutulungan ako ng isa ring ate na mag-decide kung anong ibi-bill blass (cobalt blue woven bag ba or knitted creme clutch), pinakilala niya ang sarili niya as 'TITI'...literal!!! ligwakchina ang utak ko...buti di ako napahagikgik ng malakas. yun na.
haayyyy.......megawati sukarno akush sa iyo...lolang wanda...sang flaneta ka vah nagmulah..avavavavavavavava...hayyyy.....manuhay tayong mga joklasus....mwah
Post a Comment