pagkatopos ko gumasta ng P300 sa time crisis (na wirishima ko naman mashopos-shopos), napag-desisyunan kong gumora sa starbuking para (anufaflu!) magkape. shotlong kape na lang e bangag na akez, may libreng planner pa kahit hindi naman mahilig mag-plan.
havs din naman ng starbuking sa marykina. pero iba tong sa gateway. gumagalaw ang starbuking sa gateway.
one venti peppermint mocha frappuccino, for wanda! sinamahan ko pa ng banoffee pie, na banana at coffee naman, pinaghalo lang kaya banoffee. actually, may chocoleyt rin tsaka caramel tsaka cream pero pag hinalo pa sa name-sung iyoners baka wa nang bumili. ayaw ng tao ng complicated na pangalan.
umupo akez sa bakanteng mesa sa may smoking area, kahit hindi na ako nagyo-yosi, malapit sa entrance, sa ilalim ng logo ng starbuking na mukhang sirenang abnormality. kahit daan-daanan ako. ipapangalandakan kong umiinom ako ng kapeng starbuking, vahket ba?! yung iba nga tumatambay lang e wiz bumibili.
havs ng duwa pang bakanteng jupuan, linapag ko don yung bagelya kong walang laman pero dahil match sila ng outfit kaya dinala ko pa rin. nilapag ko sa mesa yung pocket book kez para pa-deep effect kunwa. pero sa tagal ko don, dalawang beses ko lang ata nabuksan.
damang-dama yung pasko sa araneta center, kahit puro usok at medyo mainit. kung hindi ka ba naman lamunin ng christmas lights e. ang saya. kaya bet kong tumambay ditraks. adikk ako sa christmas lights.
sa isang banda ng starbuking may jisang grupo ng mga bagetz, voys en gells, na naka-bilog. mukhang shala, at medyo kumakanta-kanta pa. kanya-kanya sila ng ipod. yung isa may bidyo pa. ngayon mo sabihing naghihirap ang mga pilipino.
near, far, wherever you are naman kay atashibelles e havs ng pares, pero hindi mag-jowawiz kasi mukhang bek-bek yung isa. magkaharap sila pero parehong nagte-text.
sa loobstra naman, kung san er-con, havs ng duwaching nursing na mukhang aayaw sa leakage. yung chabelita, subsob sa libro niya, yung isa naman may hawak na libro pero nakatingin sa labas. sa mga tao na rumarampa palibot ng araneta.
nakaka-hypnotize naman kasi talaga tumingin sa labas. eh nasa pa labas ako, san ka pa?! iba-iba yung nakikita ko. iba-iba ng mukha, ng taas, lapad tsaka bigat. iba-iba ng bihis tsaka bilis ng lakad. nahihilo na nga ako sa kaka-buntot ng tingin sa kanila. tinititigan ko maigi kasi. marami ring pasaway na rumarampa sa gateway. maraming nag-iimbita ng panlilibak. pero sa dinami-daming pwedeng laitin, wiz ko knowings kung vahket wa ko mabangasan ni isa. mas concern pa ako maka-hanap ng kakilala.
tapos naisip ko, bakit tong mga to lakad ng lakad? bakit nag-aaksaya tayo ng panahon at pera pumunta kung saan-saan? at magkape. at maghanap ng makakasama eh gusto lang pala natin magpaka-autistic at mag soundtrip. o may kaharap ka nga pero yung gusto mong kasama e kaylangan mo pang i-text para paalala na nag-eexist ka. o may ginagawa ka nga pero yung utak mo naghahanap ng ibang gagawin, o nag iilusyon na sana nakatambay ka sa harap ng gate ng crush mo o sana asa tuktok ka ng mount everest nagpapainit ng tubig pampaligo.
tapos naisip ko na nagsasalita na ako mag-isa. kinonyatan ko sarili ko. kasi nagtatanong ako kung bakit e isa rin ako.
nahilo talaga ako kakatingin tsaka kaka-isip. masama ata sakin nag-iisip e. minsan wala talaga tayong sense. o yung mga gusto natin walang sense. o kahit yung mga ginagawa natin, kahit naka-itemize sa bago mong starbuking planner e wala paring sense. linuloko mo lang sarili mo na merong sense. pero ang totoo e wala! wala! wala!
tapos may dumating na mga naka-postura. churr-churr daw. ay, taga col center to, sabi ko. mukhang puyat. col center nga.
lumapit sakin yung pinaka-cutee sa kanila. dama niya ata na wichelles ko siya matatanggihan.
may naka-upo ba? pwedeng mahirum teng churrs? chikka nung cuteeng kalbo. eh weakness ko talaga kalbo kaya napa-yezterday ako. hinila niya palayo sakin yung duwaching silya.
eh may nag text sa lola mo. 2 messages, say ng nyelponella kez. yung una galing kay 2366, para sabihin lang na may libreng ringback por 3 days. at wa daw stir. stir! dead ma. yung isa galing kay piolo, para sabihin lang na may band rehearsal siya kasi may show daw. eto di pwedeng deadmahin.
leche.
pero nag-reply parin ako.
wer ka? kape tau g8way (dot dot dot smiling face)
nag-reply naman si piolo. say niya: salamat sa fanmail mo. wait ka na lang sa next update. P2.50/message.
lecheng buhay to. waiting list na naman ang drama.
sinagot ko.
wag na lng pla. wla k n rin upuan.
P2.50 na naman. papa-load ako uli mamaya.
Monday, December 11, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
lakorkey itong blog na ito! mabuhay! :)
imbyerna akush sa ghanda....kalfahthi...kalafahthi....
Post a Comment