wala lang.
wa nangyayaring exciting kaya magta-type ako ng kung aneklavu lang.
ang disyembre ko ay malungkot ... pagka't miss kita ....
miss ko na si marcus. mashogal ko na wiz na-sight ang gwapo. ang chikka, after ng josalan at honeymooners e fly na sila sa condo nila sa manda. doonchiwa na sila ng josawa niyang atribida ahihihihi
bet ko siyang i-text. wala lang din. bet ko lang. pero wiz ko knowings kung anechiwa ang isplukara ng lola mo. ano kaya?
kakalokah! naalala mo ba yung bioman? di ba may girlilet na kontrabidahin don na ang shopal ng muk-up. si farrah, davah?! bossing siya don. tapos meron siyang sidekick na naka-spandex na gray ata, na parang catwoman ang drama. remember mo? farrah cat ang name-sung niya, matutulis ang kuko. guess wat? WAT! guess wat? WAT! guess wat? WAT! si farrah cat pala, pagka-graduate sa bioman, e gumora dito sa pinas at gumawa ng karir kasama si edu manzano at monsour del rosario dati (ata). pati pala si vic sotto!!!! oo, nagkapelikula sila. naalala mo na? sumikat siya. si farrah cat e sumikat sa pinas bilang si cynthia luster. kabog davah!
isa pang pam-bioman na chikka. di ba yung unang yellow four e photographer tapos na-deadlock siya eventually? kasi naman, ano ba naman laban mo sa mga robotiks gamit ang camera, davah?! ang chikka pala (at apektado daw talaga ako) nag walk-out ang hitad sa set ng bioman kasi loss ang pasahod at kabog sa mga budget cuts, at olats sa dental benefits. kaloka, may ganong drama talaga noh, kahit sa japan-japanan? plus na-jontis pala'ng haliparot. malanding hitad ang lola. piktyur piktyur pa!
parang showbiz na showbiz akez ngayinz.
excited ako sa zsa zsa zaturnnah na jolikula. mukhang panalo. sana panalo. nabasa ko yung graphic novel. na sight kez ang ze muzikal. actually yung zsa zsa zaturnnah nga yung nag inspire sakin magsulat. na-realize ko na interesado din pala ang mga pipolet sa buhay naming kyorlorista. kahit papaano.
sana lang hindi magka-part 2. tapos part 3. tapos part 4. nakakasira ng bait yon.
eh yung enteng kabisote nga part 3 na ata. yung mano po, part 5 na. eh mukang may entry pa ata ang shake, rattle and roll e. pang ilang part na ba to? ayaw talaga paawat.
ang natatandaan ko lang na shake rattle and roll eh yung pinaka-una. yung tungkol sa ref na sinapian ng kaluluwa ng rapist. nakaka-orkot talaga yon, ilang buwan din akong hindi lumapit sa ref namin non, kahit bet kong ma-rape. tapos yung repolyo na nagiging ulo, at sitaw na nagiging daliri haaaay!!! pero siyempre unporgetabol din yung episode tungkol sa undin na dumudura ng asido tapos naduraan si ai-ai tapos nalusaw siya hahaha
ay! pati yung kay ana roces at manilyn reynes. classic yon. yung nagbakasyon sila, tapos piyesta kina ana roces. eh wiz knowings ni ate mane na siya pala ang handa sa piyesta. bida rin diteklavu sina richard gomez bilang tricycle driver at ang under-rated character actress na si vangie labalan, bilang tiyahin na aswang.
speaking of movies, kaloka tong si frida kasi ilang linggo na kong kinukulit na manuod daw kaming mga tuklaers ng sine. wag ka, BORAT pa ang trip niya. sa buong pag-aakala na malaswa yung jolikula at mga bagets pa ang bida. naku, frida!
kanina nag suggest si roxy na mag monito-monita daw kami. mukha namang OK yung concept. baklang-bakla. monito-monita. parang kambal na bakla. ganon. pero hindi namin tinuloy kasi parang ang korny. walang thrill. walang challenge. eh tatlo lang kami.
haaay .... wala na kong masulat. maglilinis naman ako ng kwarto habang kumakanta ng:
ang disyembre ko ay malungkot ... pagka't miss kita ...
Monday, December 11, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
tumbok-tu mo ito ate...azzz innnn...super relate ang watashi; at how about may barkada ako nung college...mukhang undin...watagush! yun na.
ang natatandaan ko lang na shake rattle and roll eh yung pinaka-una. yung tungkol sa ref na sinapian ng kaluluwa ng rapist. nakaka-orkot talaga yon, ilang buwan din akong hindi lumapit sa ref namin non, kahit bet kong ma-rape. tapos yung repolyo na nagiging ulo, at sitaw na nagiging daliri haaaay!!! pero siyempre unporgetabol din yung episode tungkol sa undin na dumudura ng asido tapos naduraan si ai-ai tapos nalusaw siya hahaha
Ang trailer naman na di ko nakakalimutan sa Shake Rattle ay: "Mag-ingat sa paghanap ng souvenir sa dagat, baka ang makuha mo ay----ewan!"
Post a Comment