Wednesday, November 22, 2006

Si Paclita at si El Churdible

nag wuk-up lola mo at na-sight na nilalangaw ang parlor kez. e usually may mga haliparot na nagpapa-cleaning ng kuko-belles o mga batang nagpapa-gupit ng 2x3. pero nung linggo, ligwak talaga.

roxy: ba't ka ba nanunuod niyan? eh, hindi naman natin naiintindihan yan ...

ka-jusap niya non si frida na may i watch ng laban ni pacquiao. don ko lang na-getlak kung bakit wa mga utaw in da city.

oo! sinisisi ko si pacquiao-chinatown at si morales-khemerlou ... ay si pacuiao lang pala ahihihi ...

frida: boksing yan, bobah!

roxy: alam kong boksing yan, gagah! ano naman alam mo sa boksing?

frida: wala.

roxy: eh wala pala, ilipat mo na sa iba!

dead ma talaga si frida. nag-toothbrush muna akez pero rinig na rinig ko pa din yung warlahan nung duwachi.

roxy: palibhasa mukhang constru si pacquiao.

frida: eh ano ngayon?

roxy: yuck! crush mo si pacquiao, mahiya ka nga.

frida: eh ikaw nga, ka-fez mo si pacquiao, ikaw ang mahiya! hahahaha

tapos na-heard ko na sumigaw si frida sa tv. duda ko non e may sinusuntok. wa ko lang knows kung si constru o si karga.

roxy: kung makasigaw naman to kala mo affeykted na affeykted.

frida: wala ka kasing urbanidad kaya hindi mo naa-appreciate yang mga ganyan. pang alta-sosyedad kasi ang boksing, palibhasa ...

roxy: asus, nagmamaganda ang matanda.

frida: potah ka! (may na-heard akong kumalabog)

roxy: aray!

havs ng namato, feeling ko lang.

roxy: nagmamarunong ka kasi, ilipat mo na sa ibang channel, bakla! ano bang paki natin sa boksing?

frida: tigilan mo ko, roxy. nanunood ako.

roxy: hindi tayo nanunood ng isports. mga BAKLA tayo! hindi natin naiintindihan yan. kaya lang naman tayo nanunuod ng liga sa baranggay dahil sa mga bagetz ... pero boringang boringga tayiz. kasi ang dami-dami nila tapos jisaers lang yung bola. eh kung ginigibsungan yan ng tigi-tig-isang bola e di walang gulo ... chikka na tayo agad sa mga bagetz.

frida: eh ano bang hindi mo naiintindihan diyan?

tinanggalan ng volume ni frida yung tv.

frida: wala kasing p.e. sa iskwelahan niyo. kahit imbalido maiintindihan yan, noh? palibhasa yung jutak mez nasa kuko tapos kinukayod mo pa, kamustahin naman di ba?

roxy: aba! aba! aba! nagmamaganda ka talaga. anong tawag sa suntok na yon?

frida: ... uppercut.

roxy: ... aba! ano pa yung tawag sa ibang suntok?

frida: ... suntok sa kanan tsaka suntok sa kaliwa. ano ka?!

roxy: tsamba, ampotah!

nang mag-entrance ang lola mo talagang tutok si frida sa tv.

frida: eh manood ka kasi. sight mo. boogihan lang naman itiz. kung sineklavu mashuktay-everlyn, ligwak. thank you girl. first runner up. ganyan.

infuhrnezz, wiz ko din naman naiintindihan yang boksing. pero naka-shogo sa singit ni frida yung remote kaya wa kami magawa.

watch na lang kami kahit wa volume.

at ginawan pa ni frida ng kwento ...

frida: kasi yung jowa ni constru (pacquiao) kinangkang ni karga (short for kargador, si morales), tapos jiniwan na siya. nagtanan sila kasi wa mapakain, mahina kita sa pagma-mason. kaya winawarla ni constru yung otokiz. ayan, suntok ka pa. go! haliparot ka karga! mas daks ako compared to lugaw. tsaka may album akeiwa. ito sayo. AY! mas bongga ang fez ko sayo, constru. eto ka!

tawa kami ng tawa sa dubbing ni frida. pero wag ka! wiz namin knows why kasi bigla na lang kaming nagtatatalon at nagsisisigaw nung pabagsak na si morales. pati si roxy.

infuhrnezz. kahit hindi namin naiintindihan, sa mga tili namin, kala mo getz na getz namin yung logic. pero sure kami winnona ryder si lola paclita.

at infuhrnezz uli, nang ma-focus si morales nung jumogsak na siya e mahahabag ka talaga. delubyo. gusto ngang ampunin ni frida. kahit siya na ang suntuk-suntukin e kerri lang daw.

suggestion pa niya e pumunta daw sa pilipinas si morales at mag-jortista o kaya mag-guesting sa walang tulugan. wa daw kasing kompitensiya ang album ni paclita, mashogal pa daw ata kasi magkaka-album si rosita ahihihi

roxy: sino naman yan?

frida: si morales, shonga. si eric morales. pinsan ni vina morales. tignan mo braso ...

roxy: hindi nga?

frida: tonta ka talaga, nena!

nyahahaha

pero congratz naman pacman gulaman ...

Saturday, November 11, 2006

Blusang Itim, Ngayon Din!!!

roxy: halaaaaaa! sinasalakay tayo ng mga ostRICH!!!

jumosok ng kyorlor kanina si bakla, nagmamadali, natataranta, habang sitting pretty at nagkukutkot ng kuko sa paa at may i watch si atashi ng pinoy dream academy.

wanda: hoy lukrecia kasilag, huminahon ka!

nag-news flash si susan enriquez. PASOK!

roxy: havs ng kari-karu janchi sa shopetbahay. wa ko knows kung sineklavu. basta mga baklang rica. nagpa-panic buying ng mga bagetz.

may i run si bakla sa kwarto. wa ko knows kung anek ang nangyayari. di naman ako apektado. masakit ang hinlalaki ko sa paa.

um-exit ng kwarto niya si roxy, carry ang coin purse na parang puro tansan. makalansing, ang ingay. dama mong puro barya.

wanda: hoy! hoy! ano yan? manga-ngaroling ka?

roxy: anuvah kuya!?! kinakabog ang beauty ng mga bakla. parang wiz ka pa afaketed. teritoryo natin itech, kuya. inaagawan tayiz ng teritoryo. warla na itech. warla itech.

don ko lang na-getching na parang aruwana (tama ba spelling? basta yung isda) ang mga bakla -- makinang, glittery tsaka teritorial pero wa namang dalang swerte.

dahil havs ng mga bagong fez with built-in seiko-seiko wallet ang wallet na maswerte, dead-ma ang mga otoko-belles sa mga parloristang dukha. siyempre, don na sila kung san generous sa ginang give-aways.

roxy: mga bagets na bek-bek, kuya. havs pa ng kariret. at magpapa-nomo sa mga shombay sa labas. kabog ang beauty namin ni frida.

wanda: kamustahin naman ang fez ng mga bagets na bakeshop?

roxy: chakka, kuya. chakka talagang mga bakla. may anjus lang. chapter to the highest power. pwede ka gumawa ng libro, chapter wan to por.

wanda: anong level ng ka-chakkahan?

roxy: maganda lang ng konti kay frida ... ahihihi

sabay enter ang lola frida mo.

frida: leche! mukhang mga kalyo! mga kalyong may pera. leche!

hehehe maganda lang ng konti kay frida pala ha? hehehe

wanda: anong krisis ito, frida?

frida: dini-dead ma kami ng mga otokiz, kuya. rumampa ako pero malaysia pakistan talaga ang drama. kinukuyug nila yung kumpetisyon. palibhasa mukhang ma-anda. lecheng mga lulurki yan. walang utang na loob. mga patay-gutom!

roxy: lecheng mga bakla yan. mga sampid!

moment of truth. nagtitigan ang duwaching baklita.

frida: naiisip mo bang naiisip ko?

roxy: oo ... pero ...

frida: dignidad natin ang nakataya, roxina. hindi na nga tayo MASHADONG kagandahan, bobita mirasol pa, tapos mawawalan pa tayinz ng dignidad. yun na lang ang meron tayo, bet mo bukas hindi ka na bida? hindi ka na nila sisipulan? hindi ka na nila sisigawan ng "bakla, bakla!"?

roxy: (kinilig) ahihihihi ... ok lang ... ahihihih (may latak pa nung kilig)

frida: TONTA! roxy, ihanda ang blusang itim ...

wiz ko na-sight kung anek ang ginetlak ni roxy. at kung anek ang blusang itim. basta pagka-shopos kumaripas sila palabas ng kyorlor.

pagbalik, kala mo may piyesta. bumayla ang mga hitad ng long neck at ilang bote ng red horse tsaka yung cheapipay na prayd chicken sa kanto na mukhang inalmirol sa mantika.

roxy: lintik lang ang walang ganti ...

binuksan nila ang bintana pati pintuan ng kyorlor. yung tipong sight na sight mo mula sa outside world ang kahalayan sa loob ng parlor kez. tinapatan pa nila ng jilektric fan ang manok. kahit ako nagutom.

frida: humanda ka, kuya ... suot ko na.

na-orkot nga akez kasi mukhang enter din ang mga lamok. kaya fly ang lola mo sa kwarto para mag off lotion (plugging!!!).

paglabas kez, andoonchi na numu-nomo sixtakels na otokiz. shopat effectionate ang fez, jisang hipon at yung jisa pa kerri nang itapon. lahat lumalafang ng manok.

trulili nga. da best way to a man's hart is tru his istomak ahihihihi naniniwala na akez ngayins. at walang pakundangang linapang ng mga bagets ang manok. duda ko namumulutan lang tong mga to ...

lumabas si roxy para sipatin ang kumpitensiya. bilog at chippy lang pala ang painom ng mga bagetz. san ka pa?! hahahaha kaya ligwak ang kumpitensiya.

maya-maya pa havs ng dumating na duwa pang lulurki. may dalang mga vcd. alam ko na kung san patungo itich.

hinanda ko na ang sarili kong ma-bantay bata 163. at ma-interview ni tina monson palma habang may i takip ng fez ang lola mo with good morning towel, "wala po akong alam diyan, wala po akong alam diyan."

frida: ano kuya? sinong nagsabing hindi nabibili ang gandah!?!

sabay tawa sina roxy at frida na parang galing sa ilalim ng lupa. dead ma ang mga otokiz. go lang ng go sa paglafang ng manok-chinatown.

hindi man lang akez naka-getlak ng jisaers.

Friday, November 03, 2006

Pito-Pito #1: Pa-Gurl TV

ang unang isyu ng pito-pito (ay! may ganon talaga? feeling daw ba??) mga favorite tv show ng lola mo ng bagetz pa akez na malamang lang e nakapag-dulot ng kakalokang epekto sa fromative years ng lola mo. na format talaga ako. parang diskette. at ang gandah-gandah ko na hihihihihi

7. my little pony


bet ko ma-debbie gibsungan ng my little pony nung bagetz pa akez. yung mga toys na pinagyayabang sa uncle bob's lucky 7 club. imagination ng lola mo na may i shuklay akez ng bohokstra ng mga pony na havs ng ka-tatooan sa wetpaks. gusto ko rin magkaroon non.

pero kasi akala ng mudra at pudra ni atashi na shoshondang otokiz ang junakers nila, kaya puro bola at baril ang binabayla sa lola mo. jiritation to the max talaga. eh gus
to ko ng lutu-lutuan, barbie at my little pony. na may balay-balayan pah ahihihihi

6. she-ra


"for the honor of grayskull!! i am she-raaaaaaaaaaaaah!!!"

si she-ra ang sagot sa m
ga nangangarap na badesa si he-man. winner davah!! at yung name niya. vehklang-vehkla -- princess adora. ADORA!! BAKLANG-BAKLA. havs kami friendship dati taga ibang parlor na adora ang name-sung. si baklang adora nyahahaha

bet ko talaga yung shobayo niya, si swift wind. na boses bakla. slight tining pa, ka-boses niya na si frida ahihihii

jiritation lang nung inispup itiz ni joey de leon. she-man. wiz ko yun pinapanood. nung pinalabas yon closetta pa ang lola mo. kaya nagi-guilty akez pag may i watch ng mga jolikula ni joey wer badesa and dramamhin ng lola. pinagpapawisan pati kili-kili ng ate mo. at wiz ako makalunok ng laway. feeling ko alam ng lahat ang sikreto kez.

5. rainbow brite


welcome to buhay makulay!!! wa ko interes diyan dati kay rainbow brite.

f
eelinggash kez na iteklavu e para sa mga adiktus pekinensis sa coloring book. e shomad magkulay ang lola mo. laging lampas kasi akez nooners mag coloret. noon, ang trip na ng lola mo e rumonda patrol sa village. pero dahil bata pa akez, wa pang sumisiseryosong magpa-kuping sa lola mo ahihihihi

besyds, ang tv namin nooners e sirang colored tv na ang tanging kulay na kinikilala niya e green. kung hindi pa yon pinalitan, malamang nagka-katarata na akez. charoz!!! kaya di ko sila na-appreciate, si rainbow brite at yung crayola friends niya. kasi sa tv namin kulay green silang lahat.


nung magka-rainbow brite doll ang shupatembang kez nung bininyagan siya, gi
netlak ko talaga at tinabi ko sa pag-borlogs kez. bongga pala yung skirt nitech. kumpleto ang ROYGBIV (kung havs ka ng fine arts nung hayskul, alam mo yan)

sa channel 9 itich dati. pero laging replay hanggang sa nawala na lang. san ka pa?!!!

4. c
are bears

ay! who cares, care bears. sineklavich vahh ang wiz familiarity sa mga teddyburr na itiz na ha
vs ng ka-tatooan sa tiyan. at in fairview, napaniwala nilachi si atashi-belles na kerri mo mag walk sa mga ka-julapan.

miss congeniality ang drama ng mga itiz. parang sarap i-hug. sarap maging friend. nung bagets pa akez, dream ko magkaroon ng friendship na care bears (havs ako friend na majubis, tawag namin sa kanya care bears ... pwede na yon) itiz ay bago ko pa marealize na may iba pang channel sa TV (gaya ng animal planet) na may i show ng mga osong lumalapa ng tao. ORKOT! eh ayoko na pala sila maging friend ...

3. jem and the holograms


ka-level itich ng blusang itim. kaya lang si jem naman havs ng nagmamagandang earings at hindi siya kapangitan. siya yung manager tapos siya din yung bokalista ng banda niya. eh slightly bobita mirasol yung mga ka-banda niya at di nila ma-figurine na si jem at yung manager nila e i-isa, nagbihis lang. ba't nga ba siya nagpe-pretend? ay, malaysiya pakistang. basta ang bombo radyo talaga. kainis. ba't ko ba sinama sa listahan tech?!!!

2. super boink

saglit ko lang na-sight itich. pero may i subaybay din akechi agbayani. simple lang ang chikka. havs ng gelay na transformers into super inday. kaya lang may problema. nagiging superhero nga ang lola, pero super baboy naman ahihihihi chabelitang oink oink na panalo sa ribbon at sa pagka-pinkalu. kinabog si mcf ahihihihi

kung mamalasin ka nga naman. naging super hero ka nga. kaya lang runner up lang tech. familiarity ka kay bu-bu cha-cha? wiz yan super hero pero yan malas talaga. cartoons din yan. yung chikkadorang aso na kariret pa. alam mo yon? true! malas talaga. aso ka na nga, kotse ka pa.

pero kakatawa talaga siya ... dapat nag team up na lang si super boink at si bu-bu cha-cha.

1. sailormon


ang mother op all transformation. baklang-bakla talaga!! ang source ng power nila e
compact, lip gloss at kung anek-anek pang madalas makita sa bakla. hayskul akez nitich at pinapalabas sa channel 5 tuwing sunday.

pag josok kinabukasan, meeting ang mga vehkla sa hallway ng skul at may i discuss sa mga kaganapan sa buhay nina sailormoon. apekted talaga kami non. at pilit namin inaalam kung aneklavich ang tunay na katauhan ni tuxedo mask at kung anek ang super powers ni sailormoon ("moon chala aksyon!!" ano daw???).

gusto namin maging sailorwarrios noon. wiz gawa ng powers. wiz gawa ng fez. kasi bet namin ang outfit nila.

havs pa nga ata kami ng picture noonchiwa na ginagaya namin ang mga pose ng mga hitad ng buwan. sa hallway pa dati, sigaw ng mga papansing jokla, "kami ang tagapagtanggol ng pag-ibig at katarunangan kami ay ..."

may sumagot galing sa loob ng classroom, "mga bakla!"

tumahimik na lang kami. hindi namin ginagamit ang kapangyarihan ng buwan laban sa mga mae-elyang homophobic ahihihi