Sunday, August 27, 2006

Si Father at Si Olalakwa

Haaay ... retreat time na naman pala sa dati kong alma mater. na-chikka lang sa akechiwa ni jersonita. na remember me this way ko tuloy nung dalaginding pa si atashi ahihihihi

yung retreat namin non e isa sa mga moments na inaantay ng sangkabaklaan. kasi nga exclusive skul por boys kami non [
turning young boys of today to women of the future ... hihihihi ... at nag-iisa lang itech sa marykina!!! hanapin niyo!], kaya kaming mga badesa sa klase-chinalou e mga reyna-reynahan na pinag-aagawan. sarap davah?!!

at pag may retreat, para kaming mga pa-virgin na stranded sa islang over-flowing ng mga luluriking ma-el. whatta pantasya!!!

tatlo lang kaming bek-bek sa klase non, kaya wa mashadong kompitensiya. may scarcity pa nga.

etong retreat na eto, nung kapanahunan namin e 3 days 2 nights pa, sa isang tagong retreat house sa nova. ang bantay lang namin non e yung head ng religion department -- si olalakwa, isang ex-seminaristang KJ na walang buhok sa kili-kili at kung magsalita e akala mo super magic sing ng himno sa simbahan. kung rumampa yan sa hallways ng dormitoryo ng retreat house e may dalang maliit na bell kaya alam namin pag parating na siya.

tawang-tawa yung mga kaklase naming boylets sa name-sung na giniv lab namin kay olalakwa. kaya pati sila, olalakwa na rin ang showag.

nung nag retreat kami, pag patak ng 9pm e lights out na. lahat ng mga estudiyante e kailangan finish nang maligo at mag-tootbrush en ma-boborlogs na dapat sa dormitoryo na may left at right wing ... na tinawag naming sodom at gomorrah. at wag ka, pag madilim na, sinasapian na ang mga bagets.

magkakasama mga bakla sa kwarto-cheverlyn. yung mga closetta, sa kabilang door. pero yung kwarto namin ang madalas katukin ng kung sinu-sino. ewan ko ba, hanggang ngayon e kinikilig pa rin ang lola mo. in demand ang mga baklita.

so nang may kumatok sa door #1 ng sodom, havs ng sumundo sa friendship namin at dinala sa malayong gomorrah. bitter-bitteran kaming naiwan kasi na-take home na si becky-lou. madaming ding kumakatok samin, pero wiz namin bet. kalinis-linisan ang drama namin non. AY CHAROZ! pero ang trulala, boses ng mga chakka ang nahe-heardsung namin na nagdo-door to door, kaya dead-ma kami.

e nang may kumatok na duwaching lulurki, sabi namin "wait lang ha, katok ng mga gwapito iyoners!!" at tumpak nga! mga varsity ng basketball team sa skulilet na tinitilian lalu pag pinagpapawisan. at crush namin silachi ng friendship ko. so nagdesisyon kaming mag back-to-back concert at pinapasok ang grasya.

"tuloy po kayo ..."

nag simula sa chikka-chikkahan. tapos nauwi na sa hindi inaasahan. at sa kalagitnaan ng lahat ng kaganapan sa door #1 ng sodom, bandang 2nd stanza to da chorus ng duet nina dorinna at lavinia, narinig namin ang isang malakas na sigaw na pabulong (meron ngang ganon kasi!!!)

"SI OLALAKWA! SI OLALAKWA!"

nagkatinginan kaming apat. patay na. pag bagets ka pa talaga, feeling mez yung mga ganitech na jeksena e end op da world na. pero wais ang mga boylets. yung jisaers super hide sa jilalim ng kama, and yung jisa e jumakyat sa double deck at may i pretend na borlogita ...

hindi kami kinatok ni olalakwa ... haaaay ... knows niyang santa-santita ang mga bakla kaya wa na siya istorbo. nang wiz na namin narinig yung bell, nag resume ang concert hanggang sa encore performance. yung friendship naming nasa gomorrah, kinabukasan na nag-return of the badiday.

kinabukasan din e may misa. to start da day kuno, haaaay ... at wag ka, akez pa ang event organizer para gumetlak ng choir, pang 1st reading hanggang responsorial at kung anek-anek pa. at napuyat ng todo si atashi. karma! hahahaha late na nagising kaya minadali akez ni olalakwa. kung sineklavich na lang hinatak kez, pati yung shu-shunga-shonga magbasa.

"humada ka daw kasi!" comment ni jerson nung chinikka ko itech. "nahuli kayo?"

"wiz, bakla! wonderpul ang lola mo" say ni atashi. "pero saming shotlo, akez ang na-chismis na humada sa retreat house."

"AH! ikaw pala yon??"

"ay, bakit?" may halong gulat kuno. taruzh! feeling sikat ang lola mez. havs ng mga chismax talagang wiz nashu-shoktay ever.

"knows ng mga becky yon e," say ni jerson. "ang alamat ng humada sa retreat house. kwento ni olalakwa. kwento ng mga teacherakka. kwento ng mga almuni."

"buhay pa si olalakwa?"

"kurak! at dahil sa mga humahada, overnight na lang tuloy ang retreat namin. letche!" say ni jerson na may malupit na panghihinayang.

"hoy! taun-taon may humahada don. hindi lang kami!"

"CHAROZ!"

"pinagsisihan ko na yon. kembot!! nung nag misa kinabukasan, after nung hada sessions, sa may communion, kasi huli akez na nag communion e. dalawang ostia talaga ang ginibsung sa akechi agbayani nung pare ..."

"talaga? anong ginawa mo?" sabay tawa si jerson.

"nagkatinginan kami. parang gusto kong isoli yung isa. parang ... bakit dalawa to? bakit dalata?"

"gagah! kuya, hindi pwede yon," say ng bagetz. "tapos?"

"linunok ko na lang pareho." natawa na rin si atashi.

pero nung time na yon, napataas talaga ang kilay ni atashi. sa loob-loob kez, "hmmm ... nanilip ka, father, noh?"

Friday, August 18, 2006

Song for Marcus, part Duex

there's a fine fine line
between love and a waste of time ...
- avenue q, "there's a fine fine line




saglit na lang mga, bakla!! magtatapos na ang "my girl"(ang wafu wafu ni JULIAN!!!) pero magsisimula na ang ilusyunada academy ... kabog!!!

(naloka ako sa komento ni bryanboy sa cbox! ahihihi bisitahin niyo na lang din siya pero wag kayo dead ma sa akechiwa HA!)

tenkyu tenkyu nga pala sa mga hindi nagsasawang bumisita sa kyorlor ni atashi! at sa mga nakisabay sa paghilom ... wiz pa itech shopos. pero malapit na. TARUZH!

Wednesday, August 02, 2006

Pagbasag sa Ika-4 na Dingding

- how do you feel about your penis?
- it disgusts me. i dont even like looking at it.
-what about friends?
- they dont like it either.
- no. i mean, do you have the support of friends?
-- transamerica

friendships, romans, countrymen -- gay, straight, bi, bi-curious, trans -- and the like ... lend me yor earings!

isyung marcus itech. medyo siryus itich.

mga concerned friendships at mga napadaan lang. salamat sa pakiki-simpatya sa star drama presents wanda.

public service announcement lang. wa siguro akez masusulat na eksenang sasabihin ko ng harapan kay marcus na mahal ko siya ...

ayokong mag-ispluk wid finality, ha? pero parang wa na ako sing ng my pledge of love kay marcus. azz in! wiz ko ata kerri yon. tanggap na tanggap na ng lola mo na ligaw tingin na lang si atashi from miles away, oh, so many miles away ... expert ako diyan e. kerri ko lang yon.

una, para san fa? davah-davah naman? say ko nga sa lola frida at roxy mo, wa naman sense kung may i confess pa si atashi. kahit wichelles pa siya ikakasal, hoping and wishing lang din ang drama ko hanggang ending.

ilusyon ko lang na makikita niya ako finally da way na nakikita niya yung jowawiz niya. at kahit wa yung bilat, dama to da bones na ang tipo ni marcus e pumapatol lang sa may mga kepay. wa naman akechi agbayaning andalei para magpa-TransMarikina noh? tsaka ang daming ka-artehan non.

pang-gelay lang si marcus. trulili. wichelles pang badessa (kainis). yung nangyari samin non, siguro it was a mistake lang (AY MISTAKE DAW OH!!! LECHE!!!). dala lang yon siguro ng kakatihang wit makamot ng kamay.

sana naging babae na lang akeiwa noh?? isang pokpokitang bilat na maganda ang legs at biggie ang boobelya. parang si evelyn. pero kahit yung mga ganong gurlash e nagkakaproblema din sa paghinga, sa laki ng boobies ahihihihi


ikalawa, i-chikka ko man sa lolo niyo ang tru colors at royal tru feelings ng baklita ... alam ko na ka-krayola lang din akiz. wiz lang masasaktan, mapapahiya pa si atashi. dahil hindi nga siya ganon.


mas magandang lumunok na lang akez ng silencer.

i mhin, truli, sineklavu ba sa inyetch ang nagkaroon ng super-powers na magtapat sa cruzhes nila?? wa naman davah-davah??

masaya na akez sa ilusyon na alam niya na yon kunwari ... na may mga bagay na dapat hinahayaan na lang na secret at walang clue ... at least hindi akez magmumukhang shonga sa jorapan niya.

kerri ko naman yon. mage-get-ober da bakod ko din iteklavu. cry-cryola lang ng 2 minutes, tapos kerri na uli. tawa na uli. magaling tayong mga becky diyan e.

again, salamat salamat musika sa mga fans (AY FEELING). thank you rajo laurel for my dress and bambi fuentes for my hair and make-up ...

ka-pamilya, DEAL OR NO DEAL!!!!

hanggang sa susunod na chismisan diteklavu sa parlor kung saan gumaganda ang chakka, sa parlor ng ilusyunada na ka-pakner ni kuya germs sa pagte-terno-terno ng damit, mula sapatos, coat hanggang necktie ... WALANG TULUGAN!!!!