pero isang boring na tanghali lang itembang sa buhay ni atashi.
napansin ko nanumbalik yung gift of tongue ni aling mildred kasi super chismax ang lola.
ang nakakatuwa sa kanya e pag naka-lola basyang mode ang tanders, iku-kwento niya bawat detalye as ip nandoon siya nung nagananp ang mga pangyayari. walang "sabi daw" o kaya "si ano daw." walang ganon. parang laging first hand info ang dala ni aling mildred.
minsan nga na-suggest ko ata na linggo-linggo e mag try siya sa citizen patrol sa dos, at baka getlakin siyang mainstay ng tv patrol.
ang mainit-init na chismz: yung isang shopetbahay namin -- si evelyn -- tunay na pangalan (bakit ko ba siya iso-shogo sa ibang name-sung e wichelles naman siya nahihiya at lantaran ang kahalayan niya sa buhay), e naki-apid daw sa isa sa mga pantasya ng bayan sa village namin. ang otokiz e ex-seminarista na ka-fezlak ni vince hizon at hobby niya yung magwalis ng harapan ng balay nang walang t-shirt (twice a day itech, isa sa umaga at jisa pa sa hapon naman. pag sabado rin, siya ang naglalabas ng nabubulok na basura.).
kahit wala kaming sundial, knows namin ang oras pag nasa-sight na ng kabaklaan ang pawising shotawan ng seminarista.
jiniwan daw ng ex-seminarista ang josawa at junakis niya para kay evelyn na im sure e nagfe-feeling na sa sobrang haba ng herlalu. talk of the town ang forbidden love nilachi. hindi ko alam kung bakit, e araw-araw naman atang nangyayari iteklavu, hindi lang nababalita sa bandila.
"eto naman kasing si evelyn," komento ko. "akala mo naman e nauubusan ng lalaki."
in fuhrnezz, may scarcity nga ata sa nota lately. sobrang diyeta ang lola mo.
"e kasalanan NIYO naman talaga yan," tumataas ang boses ng dakilang utangera habang ngumunguya ng kornik.
"aling mildred, natural talent ni evelyn ang kakatihan," sagot ko. "sadyang mas makati pa sa talbos ng gabi yang bilat na yan e. wala pang na-imbentong gamot sa sakit niya. kahit isang libong tubo pa ng trosyd ang ipahid niyan, wa epek. sori!"
"kahit ano pang sabihin mo, kutob ko kasalanan ng mga bakla talaga."
"ide-demanda kita ng oral defamation," sabi ko. "bo-boycottin ko 'tong tindahan mo, sige ka ..."
"isipin mo, bakla." explain-explain ni aling mildred.
"AY! kay chairman ka na magpaliwanag," sabat ko (at sino pa ba?)
"kung yung mga katulad mo -- ok lang sina frida at roxy e, wala na talagang pag-asa mukha nung mga yon -- pero kung yang gandang lalaki mo e ginagamit mo sa kabutihan, hindi iiwanan ni (ex-seminarista)
"lola, adikk ka."
"ang dami niyo na kasi e. ang dami nang bakla ngayon. parang langgam. pati yung mekaniko namin, parang bakla rin ata. iba humawak ng screw drayber. kasi kung hindi naubusan ng lalaki tong si evelyn -- dahil nagiging bakla na kayo lahat -- hindi yan sasama sa may asawa, di ba?"
"ewan ko sayo ..."
jumuwetiks ako ng balay, napaisip kung may moral lesson nga ba ang mga tae-taeng konsepto sa buhay ni aling mildred.
ilang oras ang lumipas.
nanakbo akiz sa jorapan ng kyorlor upang ma-sight ang nagwawalis na ... si evelyn.
nagkatinginan na lang kami ni aling mildred. at sa moment na iyon, parang nabasa ko yung isip niya ... kasalanan niyo yan!
lecheng buhay na to!
1 comment:
i love you na talaga! hahahah
Post a Comment