minsan may i wondering si atashi kung vhaket -- azzz in VHAKIT!?!?! -- akez sumingaw sa lupa? vhakit akez iniluwal ni inang kalikasan at jumahon from the pusod ng ocean deep ever ...
noong isang evening, finally, napagtanto kong kapalaran ko ang mag-ladlad ng tuklaers sa publiko ... (ampotah! shogalog yan!)
rush hour. gateway, cubao. maulan. may katabi akong may putok.
pipol, oh so meny pipol, prom all walks of layf, e super hoping and wishing and waiting for 48 thousand years para makasakay ng tamaraw px. mataas ang demand, loss sa supply. kaya ang mga ibang kamanangan, dead ma kung masiko ka nila basta maka-ride lang ang mga lowered balakangs. tapos iwi-wish mo na ma-flattan sila ... (HOY! wanda, ang bad bad mo talaga ...) wag ka magmalinis, at some point naisip mo rin yon. kaya lang ako, madalas.
so finally, nakasiksik ang balakang ng lola mo sa gitnang bahagi ng px. at paglingon ko sa kaliwa at sa kanan at sa backward at sa jurapan at sa kaliwa uli e isang pamilyarity na fez ang nag-apparisyon ... si ROME, ang ka-kyombal ko sa kavheklaan na forever nang nawawala. ayon sa mga kinalap na witness accounts e gumora sa cebu ang jokla, para magpaka-dalubhasa sa bisaya ahihihi pero, ngayinz ... kuma-come back ang drama.
sa sobrang saya ko, dinutdot ko ng daliri ang balikat ng shutabe kez to da point na magka-pasa siya habang tumitili ang lola mo.
"VHEYKLA!!! kamustah ka naman??? kelan ka pa dito??? HOY, VHEYKLA!!!"
nakuha ko ang atensiyon ng mga sho-o sa px. pati yung driver na muntik na atang mapa-stop, look and listen.
"HOY VHAKLA KAH!!! kelan ka pa ditembang??? di ka man lang namamansin, magkatabi na pala tayo. kamustah naman ang queen zitee op da south churvalu? dama ko lang marami kang na-hada don noh?? sinong jowa mo ngayon??"
at sa sobrang excitement siguro ni rome e hindi siya maka-imik. ganyan talaga rin si atashi, upstaging ng over pag ganado ...
"HOY BAKLA! ano ka ba? si wanda to ..."
lumitaw ang isang malaking question mark sa mukha ni rome.
"may amnesia ka ba? sa teleserye lang nangyayari yon, noh?? baklang to."
at sa dinami-dami ng sinabi ko itech lang ang sinagot niya, "hindi kita kilala ..."
at sa dinami-dami rin ng sinabi ko, na-realize kong hindi ko nga siya kilala. isa siyang estrangherong 1 million times kong tinawag na bakla.
i swear, narinig ko yung nasa julikuran ever namin na humahagikhik. gusto ko sanang batuhin ng shoezes ko, wiz ko lang sila ma-reach dahil upong P5 lang ang carry ng wetpaks ko.
gusto ko talagang bumaba. lumulubog na yung balakang ko sa jupuan. pero tiniis na lang ng lola mo. kasi una, hindi na dumadaloy ang dugo sa parteng balakang ni aketchi kaya wiz na maka-walk. en duwa, kalbaryo ang pumila-ever at pumara-ever at masiko-cheverlyn ng mga manang na havs ng gigantic plastic bag prom ES-EM.
iyon ang pinaka-forever na biyahe kez pajuwetiks, mula cubao to marikina.
hindi ko majisip kung sineklavu ang mas kahiya-hiya. ako ba, na nag-feeling at umemote-emote to the highest level na havs ng friendship factor kuno inside da jef-x. o siya na tinawag kong bakla nang paulit-ulit at nang may diin at pananampalataya ahihihi
nung nagkatitigan nga kami, parang gusto niya nang sakalin si atashi. super sight ako sa far-away land, parang any monument ilalaglag niya akechiwara-a. at sing along na lang aketch sa theme song ni kukurukuku at ng YES FM.
pero in fuhrnezz, wag siyang mag-inarte, mukha naman talaga siyang bakla ... feeling ko nga trulili. kaya siya nagagalit, kasi totoo ahihihihihi
but wait, ders more ...
"manong, there na lang po sa tabi ..." say ko. baba naman si bakla. yung shotabi kez, nanlilisik pa rin ang tingin sa lola mo.
so walk na akez, nang may shomawag kay atashi.
"HOY! BAYAD MO!" say ng driver-sweet lover.
PAKSHET!
Thursday, July 27, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
.ha ha ha ha.
muntik na akong mamatay kakatawah! kalokah. wag sana mangyari sa akin ito...
hala! isipin nun bagong modus operandi.
this made my day!
kamusta na Wanda?
Post a Comment