curious akez kung anek naman ang role ng eksinadorang punjabing direktor na wa namang ibang ginawa kundi umekstra nang umekstra sa mga jolikula niyanchi. in fuhrnezz, kerri naman. pero mas bet ko pa din ang 6th sense (i see gay people ... ahihihi taruzh!)
nang ma-shopos ang movie e juminggle muna ang lola mo. run akiz sa mga urinal, dead ma kung may jumilip-ever. near explosion na ang pantog ni atashi. kesa naman umeksena akez sa mga manong na may i fall in line forever habang pinagchi-chikkahan kung chapter ba o sulit yung jolikula. haaaay, nang biglang ...
CUE MUSIC by JAMIE RIVERA: calling all family ... (HINDI YAN!!) lord, heal our land ... (MALING CD!?! LETCH!) im fallin for you, finally my heart gave in. and im fallin in love ... i fin'lly know how it feels ... so dis is love ...
nag-apparisyon mula sa mga cubicle, in slow motion, habang nagsasara ng zipper, da love op my layp, si marcus ...
OH SABEL, DIS MUST BE LOOOOOVE!!!
marcus: uy! ginagawa mo dito?
wanda: obvious ba? jumijinggle.
marcus: gago! anong ginagawa mo dito ...
wanda: er ... eto, maghuhugas na ng kamay?
marcus: hindi nga.
wanda: ABA SIYEMPRE! e di nanood ng lady in da water. minsan tatanga-tanga ka rin, noh? (uy! pa-cute si bakla)
marcus: e nanood din ako e. akalain mo yon, nasa loob tayo ng sinehan hindi pa tayo nagkita.
wanda: e madilim e, anukabah!?! maghugas ka nga ng kamay mo ...
naghugas naman ang lolo mo ng galamay niya. ang kinis-kinis talaga ng kutis ng gwapo.
wanda: nanonood ka pala ng sine mag-isa.
marcus: hindi. palipas oras lang. bibili kasi ng sapatos si alicia at yung kapatid niya. e alam mo naman pag mamimili ng sapatos ang babae, isang buong araw talaga, hindi pa sila makapag-desisyon non ... ang labo. kaya sabi ko, sige mag-shopping kayo, manonood lang ako ng sine. text niyo na lang ako.
wanda: babae talaga noh? buti pa bakla ... (HINT! HINT!)
marcus: ahehe uwi ka na ba?
wanda: baka mag-yosi muna ako tapos uwi na. bakit? (bakit? yayayain mo ba ako mag-dinner? ahihihi).
marcus: tara. samahan muna kita.
grabe! ang daming malalansa sa starbooking gateway non. kanya-kanyang hanapan ng booking ahihihi daming nag-aabang ng ka-EB. wiz paawat ng mga bakla.
marcus: bibisita lang kami sa bohol for a week. sayang nga leave ko e. one week din yon, pwede naman hindi ako sumama. ocular lang ng simbahan pati catering. e sasama din daw sina mommy. gusto nila mag beach at mag unwind sa bohol. kaya OK na din siguro.
wanda: excited ka?
marcus: ayos lang ... kinakabahan mostly ...
wanda: yung tipong namamawis ang kili-kili mo??? ahihihi
marcus: hehehe
wanda: yung tipong parang nai-ihi ka?
marcus: parang ganon ... (ngumiti yung gwapo. sarap kurutin!)
wanda: natural naman yon sa mga ikakasal e ... yung kakabahan ka, parang gusto mo nang mag-back out (mag back out ka na, dali! saluhin naman kita pwamis!). ganon.
marcus: pero parang natatakot nga ako e. minsan parang, eto na yun. eto na talaga yun. final na to. wala nang atrasan. bigla kang magdu-duda kung siya na ba talaga. baka meron pang iba pa. ang sama ko noh?
wanda: (o baka ako talaga ... ahihihi) natural lang yan. kaba lang yan, nawawala rin.
saylenz.
marcus: ano naman tong pinamili mo?
bigla na lang, ang barubal kong amigo e binulatlat ang mga plastic bag na puro parlor supplies. natawa siya nang ilabas niya yung ...
marcus: petroleum jelly? huh? (sabay tingin na parang natatawa na naasiwang ewan)
wanda: minsan nagda-dry ang lips ko, kaya pinapahiran ko ng petroleum jelly noh? (defensive daw ba)
marcus: chapsticks, tsong! use chapsticks!!
wanda: ayoko yun e. lasang prutas. baka ma-blender ko. gawin kong shake.
marcus: kunwari ka pa. alam naman natin pareho kung para san talaga yan.
wanda: gagah! (lahat ng dugo ko sumugod sa pisngi ng lola mo, siyeeet!!) ba't mo alam ha? siguro ...
marcus: taena, tsong! kinikilabutan ako sayo.
wanda: asus!
marcus: kokonyatan kita, tumahimik ka.
wanda: defensive ang potah!
marcus: sunud-sunod ka mag-yosi ha. masama yan ... mamamatay ka ng maaga niyan.
wanda: ok lang yon. ayoko naman talagang tumandang bakla noh?
saylenz na naman.
marcus: masarap ba yon?
wanda: ang alin?
marcus: yung ... er ... hindi ba masakit yon? yung ginagawa niyo ... yan (sabay turo sa walang malay na petroleum jelly na nilalapastangan ng gwapo)
wanda: ayos lang. depende. masakit kung sa masakit din ... uy! marcus, naku-curious ka daw ba? ano ka, teen-ager? ahehehe
marcus: hindi, gago. hindi ko lang ma-getz. bakit mo naman gagawin yung isang bagay na masakit naman pala in the first place?
wanda: e bakit ka magpapakasal kung kinakabahan ka pala o nagdu-duda, IN DA PERS PLACE ...
marcus: e mahal ko si alicia e ...
wanda: (OUCH! wrong question) ... kami din naman. minsan mahal namin yung tao, kaya tinitiis din namin kahit masakit... (ang drama ni bakla! pero good answer)
marcus: parang ang hirap maging ... er ... yung maging ... ganyan.
wanda: maging bakla?
marcus: oo, yon.
wanda: bakit hindi mo masabi? ang dali-daling sabihin e. bading. bakla. shokla. sho-ke. jokla.
marcus: e hindi ko masabi e ... bakit ba?
wanda: may issue ka ba sa mga bakla?
marcus: wala. parang tanga to ...
wanda: e bakit hindi mo masabi?
marcus: ewan ko. basta lang.
wanda: tanga to. sige, sabayan mo ko. ba - kla. ba. kla. ba. kla. bakla. ahihihi
marcus: ginagawa mo naman akong grade one e.
wanda: hindi sakin tinuro yun nung grade one ako, noh?
marcus: mahirap kasi. hindi ako sanay na ... ganyan ka na.
wanda: ha?
marcus: hindi naman kami sanay nina ricky na ganyan ka na pala. e ikaw yung ka-kumpitensiya ko sa patintero tsaka agawan base. yung sentro namin sa basketball.
wanda: ay, wag na sakin ipaalala yan. puhleez!
marcus: tapos ako si red one, si ricky si green two, si ngo-ngo si blue 3. ikaw si ...
wanda: si pee-bo, ang dakilang gardo versoza ng bio-dragon.
marcus: gardo?
wanda: gwardiya.
marcus: a talaga. babae ba yon o lalaki?
wanda: ambiguously gay. kaya nga pinili ko siya e. at golden brown ang skin ko.
marcus: tapos ikaw taga-bantay ng aratilis namin coz you were too sissy to climb the tree ... (sabay tawa yung gwapo)
wanda: excuse me. maraming antik yung puno noh?? baka kagatin ako.
marcus: asan na yung punong yon?
wanda: pinutol na. matagal na. tinayuan na ng basketball court.
marcus: point ko lang. you have to give us time na masanay ... marami akong friends na bakla from college, pero iba pala pag ka-close mo yung ... ganon. ba - i cant ... give me time, tsong. (tapos hinawakan niya yung petroleum jelly) and this, wag to. baka magkasakit ka rito. tsk. papatayin ka talaga namin nina ricky.
awww ... gusto ko siyang i-kiss. swear naman. concern ang gwapo ... ahihihi ... kung alam lang niya, forever tigang ang lola mo.
moment of saylenz uli. pero kung may tunog ang smile, sobrang tining ng smile ko ahihihi.
marcus: baby!
wanda: ha? (pa-sweet na naman ang lola mo)
alicia: aba! nagseselos na ako. may ka-date ka palang maganda ...
dumating na yung jowawiz ni marcus. si alicia. at siyempre nag kiss sila. at kung anek-anek pang mga kaganapang nakakapang-init ng ulo. pero bet kong shinowag niya akez na ma-byondalu.
alicia: baby, daan tayong sta lucia. doon na lang kami bibili ng shoes.
marcus: sure. asan na yung pinabili ko? hoy, sabay ka na samin. drop ka na lang namin sta lucia.
wanda: ok lang ako. mapapalayo pa ako don e.
marcus: sigurado ka?
wanda: (kinuha ko yung petroleum jelly) kailangan kong ng buena mano dito e.
marcus: ulol. sumabay ka na samin!
wanda: joke lang. OA ka, marcus.
alicia: lets go, baby. gutom na ako.
wanda: (SANDALI LANG, BRUHANG TO! LUMALANDI PA E) sige mauna na kayo. mas madali byahe ko mula rito e.
tapos so long farewell na ang mga hitad sa each other. pero before jumuwetiks si marcus, havs ng inabot ang gwapo sa lola mo.
marcus: chapsticks o. yan gamitin mo, mas OK yan. una na kami, bading.
sabay batok sa lola mo. SIYEEET!! gusto ko yan, yung medyo sinasaktan ako.
binuksan ko agad yung chapsticks at may i apply sa labi ni atashi.
tapos havs ng lumapit sa akechi. akala ko si marcus again, mag-gu-goodbye kiss sa lola mo. ay! ilusyunadang palaka.
stranger: hi, excuse me. are you hunk23?
wanda: (ay! waiting for da EB itiz) sorry, wichelles (wit superpowerful pouting lips)
walang bakas ng pagka-hunk ang tumitibuk-tibok at mala-masebong lips ng lola mo kaya walk-away ang boylet na mukha namang effem na havs ng extra-extra-extra-effort mag-paminta ahihihi kabog.
panalo talaga bakla sa starbooking-ever.