Thursday, March 16, 2006

Save mo ko, Joe D'Mango!

im sure pati kayo havs ng friendship na katulad ni dennis.

may i invitation ang lola mo kay superfriendship kasi nga havs aketchiwa ng isyung pang-joe d'mango. since, wa ko na knows ang timeslot at number ni mr. dj, may i text brigade na lang si atashi sa mga amigo't amiga.

dahil borlogito pa mga utaw, na-uwi ako sa pinaka-last na option ... si dennis ... kahit nagdahilan pa si atashi ng kung anek anek lang para wai na matuloy ang lakad.

pero najisip ni atashi na medyo mashogal na kaming no see no talk. baka nga naman nagbago na siya.

"huy, dude, blooming ka ngayon," bati ni dennis. in fuhrneiz, may pa-kape showcase. "di ko alam kung dahil naka-blue ka lang today o ... katatapos mo lang makipag-do, 'no?"

super plastikada ang tawa ng lola mo. may effort. inisip ko na lang yung libreng kape.

"gagu!" sabi ko.

"in love ka, 'no?"

"slight ..." shabay pa-shweet na shmile ... kashe ... ano eh ...

so bumwelo na akez para mag-vent out ng problemang puso ng lola mo nang ...

"ay naku! AKO DIN!"

sum things neber chendz talaga

hanggang sa nagkwento na siya tungkol sa lulurking na-mit niya sa gym ... ay kureksyon, nakipag-kilala raw sa kanya sa gym. as in, kailangan i-powerpoint ang nakipag-kilala.

"... pero friends lang kami," say niya tungkol sa clear and present boylet niya ... gaya ng libu-libong naging boylet niya for da past 48 years.

sinipsip ko na lang yung kape habang bumangka si lola basyang.

"palagay mo, siya na kaya?"

yung mga nagtatanong ng tanong na itech, may sagot lang na gustong ma-heardsung mula sa tinatanungan nila. wichelles lang nilang trip mag mukhang assuming kaya bet nila marinig sa iba. haaay naku!

"ewan. di ko pa naman siya nakikilala e," sagot ko, concerned kunwari pero plastikada to da max.

"feeling ko kasi ... siya na yun e."

feelingash ka na nun magwala. kasi kung kilala mo si dennis, linya niya yan sa bawat otokiz na mali-link sa kanya. o ili-link niya sa sarili niya.

pero wiz ko chinichikkang pok pokitang hitad tong si dennis. self-absorbed, pwede pa.

at hindi ko na natiis.

"e ... lagi mo namang sinasabi yan sa lahat ng lalaking nakilala mo, di ba?"

natahimik siya ng matagal. mga 5 seconds.

"as in iba 'to, dude." at nagpatuloy ang 15 minutes na jina-justify niya kung bakit special ang boylet na itech habang sight na sight china ko pa kung pano nadudurog sa loob ng bunganga niya yung chicken empanada.

may follow up question po ako ...

"hindi ka ba nagsasawa na date ka nang date tapos feeling mo lahat ng lalaking nakikilala mo e yun na?"

natahimik siya. eto totoong silence. napa-yosi pa.

"yun nga yung point ng pakikipag-date, di ba? para mahanap mo si mr right ..."


"pano mo pa siya makikilala kung feeling mo lahat ng lalaki e si mr right?"

"hindi ko sure. paano ba?" wais tong si lola oba. ibinalik talaga sakin ang tanong.

YEHEY! senti mode uli si wanda. "katulad na lang nitong guy na na-meet ko." nagising talaga ako. turn ko na. "feeling ko parehas, as in parehas, kami ng wavelength ni ..."

"OH MY GAWD, kami din!" singit ni dennis. "sometimes its so freaky na nga e, di ba?"

at to be continued na naman akez. PAKSHET!

i surrender. nakinig na lang ang lola mo sa mga chikka niya.

at humirit pa ang haliparot, "kwento ka naman, ako na lang daldal ng daldal."

nanlaki talaga mga mata ko, pilit iniisip ang number ni joe d'mango.

5 comments:

ie said...

mahirap talagang sumabat pag ang kausap mo parang radyo. :]

by the way, nakakatawa ka. :]

Anonymous said...

wanda, sadyang may ganyang mga hitad--gay, straight, ambidextrous, etc. mabuti kang kaibigan at natitiis mo siya.

keep on blogging. kailangan ka ng mundo. :P

Anonymous said...

SHIT! PARANG NSAKTAN AKO
ganyan kc ko misna magkwento tulad ni dennis

from now on babago na ko

Anonymous said...

ok lang yan, at least, you have proven that you are a good friend, kung gusto mo naman, dito ka na lang magkwento, tapos siguradong madaming magco-comment para sa yo.. makakahanap ka rin ng "shock absorber" mo.. :D

Anonymous said...

..hAlaa.. anSHala.. :)

cArry LAng mamabelz..

KEep On bLOGgiNg.. KAW ang DAhiLAn Ng PAgiinTerNEt q..

PEo tAke nOtE!


bOLEra akUh. :D