Wednesday, March 08, 2006

Mudra! Pudra! (Da Remix)

havs na namang natutunang kanta si atashi sa mga nanette imbentor sa parlor ni kuya na sina frida at roxy. iba talaga pag wa kang kostomer. nakaka-buang.

nabulahaw nga ang siesta ni atashi kahapon sa mga noisy bedinger-z. talagang isinulat ko pangalan nila sa blackboard. cleaners sila mamaya. e eto pa, bawal sakin ang ganoonchi kasi super attack ang migraine-chinalou ng lola mo. so lumabas akez nang may slight pagdadabog. mga bakla kabog ang mga bunganga.

pag labas ko ng parlor area e makasalampak sa sahig sina frida at roxy. parang mga dalagitang naglalaro ng jackstone (oy! kabisado ko pa mga exhibition don gaya ng point at around the world). na sight ko pang hapi-hapi ang mga lola at super sing-galing silachi nitech .. (kung may childhood ka, im sure alam mo 'to)

mudra! pudra!
betsung kez tinapay, betsung kez kape
lahat ng betsung kez ay kemerkemerlou
ang ma-luz valdez ay pipingutin kez
ma-jina lang ang pingot kez
jisa ... duwa ... shotlo ... kyopat ...
(repeat to fade hehehe)

taruzh davah!!

at ang magkamali sa kanilang dalawa e iinom ng isang basong tubig. ang babaw pero ang saya.

haaaaaay .... time space warp, ngayon din!

naalala ko tuloy ang mga panahong kool pa ang chinese garter, piko at mother may i cross the river (kung saan ang saya maging mother). malalaki na kasi kaming lahat sa village kaya wa nang ganon. wa nang inosente nyorkada namin at wa nang bet mag-patotot. ba't nga ba patotot ang tawag don? yung around da world alam ko, pero wa atang katumbas sa ingles ang patotot.


wag ka, mga bagetz ngayinz mas bet mag counter strike at ragnarok. gastos. at ang bahay-bahayan natin noon, me version din sila ngayonchi ... da sims 2. kabog! ditech pwede mag liptolelang ang duwang gurlash at keri lang din ang men to men. kaloka davah!

pero wichelles tuloy nila nararanasan madapa sa habulan, umiyak dahil dinaya ka ng crush mo, magsuot ng spartan sa siko dahil sabi ng friendship mo e bibilis ka shomokbo o mag sabi ng taym pers kahit wit ka naman hinihingal ... ayaw mo lang talagang mataya. tapos sisigaw ka ng "ang daya mo!" sabay sing ng cry ni mandy moore at magtangkang "isusumbong ko kayo kay mama!" hanggang sa mauuwi sa pang-aasar nila sayo ng "whaaa! bakla! bakla!"


wait lang, experience ko lang ata yon. ok enough na, ate charo, next week na lang uli.

eniweiz, sa inis kez sa sakit ng ulo ni atashi na hindi naman agad na-erase ng gardan angel, naki-join na lang akez sa sahig at may i play na lang kami buong hapon.


nabundat ata si atashi non.

abangan ang remix version ng "mudra! pudra!" hehehe move ober lito camo, may kompitensiya ka na.

3 comments:

Anonymous said...

hi, grabe nag eenjoy ako sa mga kung anek anek mong kinukwento... kaloka ever itech kapatid.... nakakawala ng stress especially when im depressed sa king jowaers.... hay kaloka ka sister..... bigyan mo naman aketch ng advice kasi ang jowaers ko is may asawa at janakis na, wit ko siya maiwasan kaya until now we're still having fun and making love kaya im so depress, wit ko alam ang aking gagawin sana magpost ka ng story about this kind of relationship....... thanks a lot po and more power girl.......

Anonymous said...

by the way im Ohdie nga pala, im 22 years old and currently working as a database technician in Paranaque....... thanks sana post ka po ng advice about loving a straight man thanks =)

Anonymous said...

Mukhang magka-eded pa yata tayo dahil super naka-relate ako sa mga Spartan, Chinese garter, taym out, Shaider, Batibot and all. Mukhang nakalimutan mo isama ang ever present poster ni Phoebe Cates na sabi nila eh patay na daw ngayon dahil sa sobrang paggamit ng Spray Net...hehehe!

Wa na ako sa Pinas now and I'm surprised na may nakaalala pa ng theme song ng Shaider na ...oppp..shige..shige. As posted sa previews blogs mo. Madalas namin kantahin ng sister ko yan noong little kids pa kami.