Tuesday, February 28, 2006

Batibot, Da Hidden Neighbor

ilagay ang kanang kamay sa may bandang cleavage at yumuku-yuko na parang si ate guy habang kinakanta itech sa tono nang "ako ang kapitbahay" by various artist ...
akez ang shopetbahay shopetbahay mez.
laging handang tumulong sa inyetch
knowings niyo aketch
knowings niyo aketch
aketch jisa sa shopetbahay
shopetbahay ninyetch ...

o mga otokiz at mga bilatchi-chinatown, knowings niyo ba kung sinetchuwara aketchi agbayani? wiz??!!

ay caramba!

akez ang friendly neighborhood parlorista na gumigibsung ng himala sa mga chakka. josama ang mga amiga kez na sina roxy at frida!!! wit niyo pa rin knows?

ay bobita!

akez ang shopetbahay nina pong pagong, kiko matsing at kuya bojie na madalas pumakyaw sa pancit ni ate sienna (ang totoo, lugi siya sa batibot kaya pumwestong jollyjeep na lang siya sa makati). pero pero pero never akez nabanggit sa batibot kasi harmful daw to your kids.

in-edit out ang pamimigay namin ng beauty tips sa mga batang itinadhanang ma-bully sa iskwela. wa na daw ipakita ang mga tukla, baka maconfooos ang mga bata!

"tay, bakit si wanda mukhang lalaki pero naka-damit babae? nalilito na po ako, tay? parang ... gusto ko siyang ... tularan!"

echingera! wiz naman ganon sa personal.

mas matatalino na mga junakers ngayenchi kesa sa inaakala ng madlang pipolets. minsan nga mas marami pang alam ang mga bagetz kesa sa mga tander boltz and lightning.

may batang dukhang namalimos samin ni frida sa roxas, e di ko talaga bet mamigay ng vharya sa mga fulubi. basta bawal. so sabi ni frida sa gusgusing bagetz,

"wala ngang barya e ..."

"chu***n mo na lang ako, BAKLA!?!" sabay shokbo ng hampas lupa na mukhang otso anyos pa lang ata. grabeh davah!!!

at bakit yung jisaers sa mga weirdong teletubbies na yan. si tinky-winky, yung kulay purple. o davah! vecky'ng-vecky. wiz siya color violet, furple as in furple para kitang-kita ang veykla effect.

si tinky-winky e jisa sa shopat na batang alien na lulurki daw pero ang favorite niyang toy e handbag in pok pok red pa ata. landi noh?
ang point, wa itech sa kung sineklavu ang napapanood sa tv. nasa mabuting pagpapalaki at pagpapaliwanag yanchi ng mga maderaka at paderaka ninyetchi.

"anak, ganyan talaga si ricky reyes, favorite niya ang shining shimmering na turtle neck."

"anak, si roderick pag hindi ita, igorot o host sa pera o bayong e bakla talaga ang role niya. buhat nung 80s pa. minsan minsan e tiyuhing sobrang strikto ... kasi may tinatagong kabadingan. so ... bading pa din. typecasting ang tawag don."

o ano ka ngayon?! echos!

so knowsline mo si atashi? keri keri lang, one more time with feelings!

3 comments:

nixda said...

hahahah! kakalokah talaga mga posts mo tita...

sakit ng panga ko sa kakatawa, nakakawala ng stress!
buti na lang natapilok ako dito :D
mababawasan na pagka-miss ko sa mga frens ko sa pinas na katulad mo.
keep it up!

einen guten tag noch (have a good day)!

Anonymous said...

wahehehehehe!!! kuletchina itech!!!! wa ko masay lol!!!!!

indichrome said...

panalo ang post! may wit! hehehe