bakla, asan ka na?
andito lang
ano nangyari sayo?
hinahanap ko ang sarili ko
bakla, isang taon na paghahanap? ano ka, Yamashita?
pagod na ko ... pagod na pagod na ko ... pag hindi hinahanap kusa namang nakikita, di ba?
puki! ano ka, susi?!? asan ka ba ngayon?
lumulutang sa kawalan?
sa QC ba yan?
tanga! may lugar bang ganon?
malay ko ba?!? may kalawakan st. nga sa pasig e. at wag ka, may barangay "harapin ang bukas" pa nga e
echingerang baklang to, siryoso?
siryoso! malapit sa kalentong!
punta tayo don! baka andon ang sarili ko
sige, sunduin kita diyan
bukas na lang
gagah! walang tao don bukas!
hahaha! o sha! maliligo lang ako ...
bilisan mo, dala ka camera
bakla, go din tayo sa jala jala
san yun?
sa rizal ... baka madaming pahala don!
hala ka! hahahaha!!!
Wednesday, December 17, 2008
Subscribe to:
Posts (Atom)