Friday, February 10, 2006

Saya Maging Tukling

kinanechi, may i walkathon ang drama ng lola mo sa shala-shalang gateway mall sa cubao.

may nakasalubong akez na estudiyanteng tukling, si nini. si nini ay naka-nursing outfit with matching shoulder bag na pitch black. kabog ang bibe at pato sa kendeng ni nini. at gusto ko sana siyang lapitan kasi mejo napa-kapal ang blush on. konting tip lang, ganon.

pero bukod sakin, may nakapansin rin sa kanya na isang grupo ng mga jologitong isda. mga hayskul na oily ang fez at mukhang pawisin, at pitch black din ang mga balat. inaasar nila si nini. sinisipulan pa.

kung si frida yon, malamang nag quarter-turns pa siya. akala ko nga e-eksena etong si nini. wag ka, napa-yuko ang iha at dramatic exit bigla ang lola mo. bet ko sanang hamunin ng away yung nga isda, kaya lang baka ma-gripuhan akeiwa sa tagiliran. mahirap na.

time space warp, ngayon din. biglang rewind ang lola mez to the time na nakatikim akez ng pang-aasar sa mga jologitong isda tulad nila. at imbei akez dahil bakla ako. haaaay ... i remember yesterday, when the world was so young (look at my mole!) ...

pero doon ko na-rereview kung bakit masaya maging shokla. itech ang ilan sa mga dahilan kez na nagiging motivation ko pag may nang-lalait saking mga isda:

1. kapantay ng karapatan mong lumafang at juminom e ang karapatan mong mang-okray.

2. pag nang-okray ka, ok lang. natutuwa ang mga sho-obelles. pag mga straight ang nang-okray, laitera sila at jogsak sa good morals and conduct.

3. may i invitation ka sa mga nomohan at party-partihan ng madlang pipol kasi masaya kang kasama ... parang comedian.

4. tenk you tenk you sa salitang bakla, keri niyong pagchikahan ang mga crushness mez o kaya okrayin ang kairita kahit sa jorapan nila kasi wiz ka nila intiendez.

5. ma at pa ka mga norms norms churvah na yan kasi ipinanganak kang pasaway.

6. lapitin ka ng mga effectionate na lulurki kasi plentious ka nang gelay friends at gusto nilang magpalakad sayo.

7. noong highschool, keri mo lang mag-CAT kasi forever lilim lang ang platoon juliet a.k.a. flower platoon.

8. laging may phone in question sayez kung effect sa kanila yung damit o kung oily kanilang fez, as if exfert ka sa beauty ang fashion, kaya in the end keri mo lang magmaganda.

9. salamat sa gaydar, one look (or smell) at knows-line chinatown mo na kung sinechuwara ang gay, boy, bakla, kyomboy, pati mga pahada at pa-paysung amongst all the king's horses ang all the king's men.

10. at you hab d best op both werlds. knows mo ang feeling isang legitimate na lulurki at knows mo rin ang feelinggaz ng jisang girlalu, minus the dismenorrhea ... and d sticky peeling ... ewe ... tama ba spelling? ay! dead ma sa baranggay, hindi ko kasi nararanasan yan ...

at P.S., we make sure na diyosa kami -- sa isip, sa pananamit at sa balat -- di tulad ng mga jologitong isda ...

Wednesday, February 08, 2006

Salamat Boy Bawang

SABEL, DIS MUST BE LOVE!?!

naka-kyombay ako sa tapat ng parlor. drinkalu ng sarsi at lumalafang nang boy bawang nang may isang kotseng dumaan. wa ko knows kung anong klaseng karu. basta royal blue ang coloret. at napakalakas ng tugtog.

jiritation akeiwa sa mga ganoonchi. hello, noise pollution!

huminto yung kotse sa harap ko.

SABEL, DIS MUST BE LOVE!?!

si marcus. at hindi pa ako nagli-lip gloss.

"hoy, darating si allen galing states, alam mo na ba? may inuman sa bahay sa linggo. pupunta ka, di ba?"

si allen e kababata naming laging patotot sa patintero kasi maliit at mabilis tumakbo. pero madalas tumatae sa shorts kaya hindi kami naging close. updated na ko sa balitang yan from roxy na darating siya from boston sa sabado. shala, davah!

siyempre call ako don. naisip ko na nga isusuot ko e.

"ok. kitakits sa bahay. sagot ko inom. kayo na bahala sa pulutan."

"ang kuripot mo!" siyempro pa-cute na objection ko.

"gago! ikaw 'tong may negosyo. IKAW ang kuripot."

negosyo. bakit hindi niya masabing parlor? negosyo talaga. e obvious naman.

"gago ka talaga."

binato ko siya ng boy bawang. isang butil. sayang e.

"tigilan mo na pag-aadik mo. ang payat mo ... hehe .. sige, kitakits." parting words ni marcus.

pinigilan ko sarili ko sa pagtili. OH SABEL, DIS MUST BE LOVE!?! pinalobo ko na lang ang sarsi. habang nakangisi.

at na-realize ko, parang ang swerte ko sa boy bawang. kaya pumunta ako kina aling mildred at pinakyaw ko ang boy bawang.

Isda-da-da ... Isda

tuwing miyerkules, huwebes at biyernes e dinadalaw kami ng junak-junakan ni frida. hindi sila talaga magkaanak. feelingash lang ni bakla na yun bagetz e junakiz niya. siyempre feel na feel din ni bagetz na may fairy godmother siya.

siya si jerson. siguro minsan naging tulad ka niya. dumadalaw sa parlor para maka-libre ng hada. ganon kasi ako nagsimila.

balingkinitan ang katawan, makinis at maganda pag naging gelay etong si jerson. ispluk ni frida, pag hinog na ang bagetz e i-sponsoran niya sa beau-con. as miss republic of the philippines, margie moran.

3rd year siya sa isang exclusive school for boys malapit lang sa parlor. doon rin ako graduate. at sa mga chikkang narinig ko sa kanya tungkol sa sexual appetite ng mga highschool ngayon e parang gusto ko uli mag-enroll. o mukhang mas appealing, mag-apply bilang teacheraka. para may powers.

doon ko lang nalaman na si jerson, sariwa at bata, at ang kilabot na isda sa buong village namin -- si tolits -- ay mag-jowa na pala. 2 weeks na.

si tolits ay isang tipikal na jologs na maitim, vorta (katawang kargador) at chakka pero nabiyayaan ng ga-maling na alaga, kaya dead-ma na sa fez ang mga bakla. e alam ko naman, lalu na ni aling mildred na utangera na bestfriend ni roxy sa tsismisan, e talagang namamakla itong tolits.

at siyempre, ang matchmaker e itong si frida. kaya kinumpronta ko siya ...

wanda: hoy bakla, bakit naman magre-reto ka lang kay jerson e si tolits pa.

frida: loka, nung ma-sightchina ni bakla na daks yung isda e ayaw nang bitawaan. ayaw na ngang iluwa. gahaman hahahahaha

wanda: gaga ka ba? paano kung sairin nung isda yung allowance nung bata?! alam mo namang kilabot na nanggagatas tong si tolits. tignan mo nangyari kay roxy.

roxy: hoy potah! naririnig ko kayo.

frida: problema niya na yon ... nagpaloko siya e.

wanda: ano ka ba? ikaw nag-reto tapos ...

frida: bakla, wa ko responsibilidad sa kanya. pinatikim ko lang siya ng isda, hindi ko sinabing jowain niya.

wanda: nagi-guilty lang akeiwa. parang sa parlor ko pa siya na-corrupt. baka ipasara tayo ng bantay bata.

frida: bakit? feeling mo ba corrupted ka din? pareho lang kayo ng pinanggalingan.

wanda: yun na nga e. hayskul lang itech. unang jowa niya tapos peperahan lang siya.

frida: gagah! ikatlo na. malandi talaga yang anak ko.

wanda: pagsabihan mo pa din, bakla ...

frida: ok payn ... alam mo bakla, lahat naman tayo dumaan diyan. tapos nong may makarir tayesang lulurki uli, knows na natin kung for lab or money ba ito. hayaan mo siyang malaman niya yung feeling. wag natin ipagkait sa kanya yung experience. plentious pang makikilala itech si jerson na katulad ni tolits. hindi lang ditech sa parlor-china. hir, der, everywer.

wanda: ewan ...

frida: alam mo, kuya, subukan mo magtayo ng bantay bakla ... dial 169 ahahahaha

tumahimik nang slight. lumabas na lang ako para mag-subah.

roxy: hoy! bakit nung maging kami ni tolits, hindi kayo ganyan ka-concern?

humabol pa ...

Monday, February 06, 2006

Oh, Marcus!

kung si juliet e may romeo, si laura may florante, si maria clara may crisostomo ibarra, si zsa zsa zaturnna may dodong, si sailormoon may tuxedo mask, si lois lane ay may clark kent; kung si batman e may robin, si tom may jerry, si chip may dale, si rey ay may carding, si tito may vic at joey ... si wanda ay may marcus ...

"pumapayat ka ah ..."

yanchi ang ispluk ni marcus nang magkasalubong kami sa tindahan ni aling mildred na utangera. bumibili ako ng boy bawang, subaru naman ang kanya. marlboro reds, tapang.

kababata ko si marcus. gusgusin at magaling magsulat ng pangalan habang jumijingle noong kami'y supling pa. siya rin ang nagpauso sa lugar namin ng paglalagay ng sinelas sa mga siko para bumilis ang takbo sa tumbang preso, patintero at agawan base. siya ang unang tinuli. sa kanya rin namin natutunan manood ng porno. in short, pasimuno siya lagi.

at sa kanya ang una kong sexual experience. (kilig!!!)

sa dinami-dami ng lalaking dumaan sa akin, ilan lang ang talagang tumatak. iba-iba kasi lahat. iba iba ng porma, ng packaging, ng itsura, ng mukha at hulma ng katawan. iba-iba ng trip. minsan, iba-iba pa ng presyo. yung iba ganda lang. taray! iba-iba rin ng pwesto ng nunal. merong may pinag-aralan, merong OSY. iba-iba sila ng kiliti, tunog ng halinghing at ungol, at gustong pwesto o posisyon. at iba-iba ang sinasabi nila seconds bago ang big O.

at sa lahat ng 'yon napagod lang ako. nasarapan, kinilig konti at nainis kasi nangalay lang ako. pero noong kay marcus, second year siya at grade 6 lang ako, yung kilig ramdam ko pa hanggang ngayong nginunguya ko ang boy bawang.

tumangkad siya ngayon at lalong gumwapo. AS IN! lumiliit pa rin yung mata niya pag tumititig siya sa kausap niya. yung dimples niya lumalabas kahit hindi siya ngumingiti. at lalo siyang naging masarap. mula kasi nang mag-college, hindi ko na siya nakita uli. nag-condo daw kasi malapit sa la salle. ricah siya. at balita ni roxy mula sa mga kostomer niya, may guframae na raw ang otoko. keri lang, pangarap ko ring maging kerida. (hehehe)

simula noong may nangyari sa amin, hindi na kami nagka-chikahan uli. malaman-laman ko na lang e nag singles for christ siya after. feeling ko tuloy noon ang dumi-dumi ko at makasalanan.

huling usap namin e ina-arbor niya yung shorts ko. na buong puso't kaluluwa kong ibinigay.

"pumapayat ka ah ..."

48 years man kaming hindi nagkajusap, napapansin niya pa din pala ako ... siguro pag dumadaan siya sa harap ng parlor

haaaay ... naririnig ko si tina paner ... "tamis ng unang halik ..."

naaalala niya pa kaya ako o yung nangyari sa amin??

pagbibigyan niya kaya ako uli pag sinabi kong mas marunong na ako ngayon??

JAZ KEEDING

pasok sandara: "walang sabit ... di tulad ng iba ..." hehehehe

Sunday, February 05, 2006

NOW SHOWING: Gays in Space

MAN YOUR STATIONS, BITCHES!?!

fly mga sisteraka at may i watch niyo itech.

na-find ko lang itech habang surfing-while-chatting akeiwa. at panalo ang mga ate't kuya ko sa saturday night live. sobrang kaloka ang mga pinaggagagawa nila. feel ko tuloy itech ang itsura kez kung naging astronaut ang lola mo.

sa sobrang aliw ko, pina-sight ko rin itech kina frida at roxy itech. hindi sila natawa. so may i explain naman si propesora ... kasi ganito yan, mga bata ....

wa pa rin sila care. manood na lang daw kami ng shake, rattle and roll. AY! award!

watch mo. sana ma-betan mo ...



so na-aliw ka ba o mas trip mo mag shake, rattle and roll na lang din.

next stop: urANUS!?!

Friday, February 03, 2006

Invasion of the UMA Headband

eto ... ilalabas ko lang pagka-imbey ko. hindi ko na talaga mapigilan.

nag grocery ako kahapon, at kasama ko si roxy para may taga-buhat ako ng pinamili. nag-iinarte pa nga si bakla at akez daw ang sinisisi niya kung bakit lumalaki ang katawan niya.

rumampa muna kami sa mall. nag window shopping ng kung anek-anek lang. at siyempre nagjijinarte etong si roxina!!! kaloka. kesyo ang varicose veins daw niya. muntik ko nang mabuhat ang escalator at ihampas sa mukha niya. ang arte.

ala akong choice. pag si frida kasi kasama ko, napaaway naman kami. mahaderang bakla kasi.

pero hindi lang yan.

sa pag iikot kez, may nadiskubre akong kahindik-hindik na kaganapan. lahat nagpapaka-uma bigla. (dats korerk, dod ...)

simula nang ma-sight ng mga pipolet si uma sa bahay ni kuya at ang hindi hinuhubad na headband, ABA!! lahat nag headband na. mula sa pinakabata hanggang sa gurami. lalaki ... babae ... bakla ... mga jologinding na ahit ang kilay at rose pink na lipstick at sari-saring mga isda, nakasuot na ng headband. kapartner ito ng mga pinatayong buhok. kinikilabutan ako ...

pati si manong fx na nasakyan ko noon e naka headband na din. at wag ka!?!! nang ipatugtog ang theme song ng pinoy big brother e nag sayaw ito sa gitna ng trapik.

kakaiba ang epekto ng pinoy big brother sa mga pinoy, FINE! lahat gusto pumasok sa bahay ni kuya. ako man din, bet ko. at dahil hindi kami mashadong telegenic, nagpa-picture na lang kami sa harap ng bahay ni kuya.

kinarir ko din yang mga text votes na yan. at ginagamit ko pa cell phone ng nanay ko. nagugulat na lang siya, may boto na siya para kay sam milby. jiritation siya kasi kapuso si inay.

nadala din ako diyan sa pinoy big brother na yan. pero never akong nag-suot ng uma headband.

eto lang ha, hindi dahil maganda kay uma ang headband e nangangahulugan na bagay na rin ito sa lahat. marunong tayong tumingin sa salamin. at uminom ng kape, para kabahan naman tayo minsan sa pinaggagagawa natin. (oke ba, dod?)

Wednesday, February 01, 2006

Fight Night: Roxy vs. Frida

naglalagay ng moisturizer sa mukha si frida. nabubunot ng buhok sa kili-kili si roxy.

ako nag-iimbentaryo ng kita.

sabado. naganap sa pagitan ng 11 at alas dose ng hating gabi ...

frida: baklita, palagay mo kulayan ko uli 'tong hairlalu kez?

roxy: loka. hindi ka ba naawa diyan sa buhok mo. buhay pa ba yang mga yan?

frida: gaga! oo naman. nagre-rejoice conditioner ako ebry oder de. wagi!

roxy: bakla, hindi halata ahehehehe

frida: anong ginagamit mong deodorizer?

roxy: sori, tawas lang ... para hindi umitim ang kili-kili ko.

frida: ayyy ... hindi halata.

roxy: punyeta ka! (may kumalabog, malamang may binato) ... frida, pautang naman ng P500. bayaran kita sa susunod na linggo.

frida: ha? kaba-bale mo lang kay kuya nung isang araw ... abusado to.

roxy: si lee boy kasi nagpabili ng sapatos. matagal na niyang binabalik-balikan yon. na-awa naman ako, kaya dinagdagan ko na lang yung ipon niya. babayaran naman daw niya ako.

frida: asus! nagpapaniwala ka kasi diyan sa jowa mong hayskul. i-report kaya kita sa bantay bata.

roxy: sige na. babayaran naman kita. kailangan ko lang ng load. tatawag ako kay nanay sa quezon.

frida: ayan, pag sarili mo na, wala ka nang pera ... tapos pag diyan sa jowa mo todo ka maglabas ng anda. ano ka, mayaman?

roxy: ang linis mo! bakla ka din, hoy! siyempre, ayoko naman sabihin ng jowa ko na skwala lumpur ang lola mo.

frida: e di bagay pala kayo, pareho kayong skwala ... bwahahaha (may kumalabog uli) ARAY POTAH!

roxy: ang yabang mo bakla ka ... ang hirap kasi sayo, akala mo lahat ng lalaki manloloko. kaya wala kang jowa.

frida: e ilusyunada kang punyeta ka. walang lalaking magkakagusto sa katulad mo ... dahil bakla ka. wala kang kepay. wala kang suso. ilusyunada.

roxy: sabi ni lee boy lab niya ako. kung naging babae nga daw ako, magpo-propose siya sakin. o ano ka?!!

frida: ay tigilan mo nga ako, roxy. na-adik na ka na sa q-tix. e tignan mo nga, mas malaki pa katawan mo diyan kay lee boy.

roxy: leche ka. palibhasa walang pumapatol sayo kasi matanda ka na ...

frida: potah kang bakla ka. e ikaw, machong bakla!

roxy: guranggutan!

frida: kiki mo green!

roxy: pustiso!

frida: hoy hoy Hoy HOY!?! pareho tayong naka-pustiso.

roxy: buhok mo parang steel brush ...

frida: para kang sumang sunog kaya hihiwalayan ka ng jowa mo ... gaya ng iba mong mga jowa ... sasama sila sa mga gelay na makakangkang nila ... leche!?!

tumahimik ng matagal. matining na tunog lang galing sa calculator ko.

nag-aantay ako ng kalabog. baka nagsaksakan na ang mga bakla ...

frida: kumuha ka na diyan sa wallet ko ... wag mong kunin yung barya, wala akong pamasahe. magsisimba ako bukas.

roxy: magkulay ka uli ng burgundy. para ma-highlight ang cheek bones mo ...

walang anumang hayop na nasaktan sa eksenang ito. mga bakla lang.

Ang Pag-aamuk ne Fleming Rudrigu

minsan ka na nga lang gumimik, napapaaway pa ...

girls night out kami, ako at ang dalawa kong angels -- sina frida, ang mangungulot, at roxy, ang manikurista. siyempre, para hindi naman nabubulok ang beauty nila sa parlor.

isinama ko sila sa isang baklaan bar sumwer sa QC kung saan winnona ryder ang mga midnight dancers. nakapasok na rin kasi ako sa iba at yung mga nagsasayaw kala mo e tricycle driver na hinatak lang sa labas ("oi magsayaw ka dito, mamaya ka na bumyahe!"). as in pwede kang gumawa ng isang libro sa dami ng chapter ... ang chachaka talaga. parang yun yung side line ng mga mason at constru at toda combined. kaya don kami sa mga tunay na pasarap.

sinalubong kami ng isang bagitong usher at inilagay kami sa tapat ng stage. nadama niyang marami kaming dalang pera. sa tabi namin, apat na baklang bagetz. first time nila, kabadong bado ang mga itsura at may straw pa ang beerangga.

lumalalim na ang gabi at nagsimula na ang show. ngiting aso na sina frida at roxy. at yung mga bagetz, hagikhikan nang hagikhikan. kala mo kinikiliti sa yagbols.

si baby faced aries ang umpisang nagbalahura sa mga malulupit na OPM gaya ng the promise ni martin nievera. sobrang cute niya, parang maamong paslit na nang-aakit ... ng bulsa ("i-table mo ko ... i-table mo ko ...") aliw na aliw ang mga bagetz nang lumapit sa kanila at ipinakita ang kanyang ding dong. humaba ang leeg ni roxy sa inggit.

bulong ni roxy habang naglalaway, "gusto ko siyang i-ahon sa kahirapan ..."

"bobah! yayaman siya sayo, habang ikaw giraffeee na ... tapos go na siya sa ibang ricang makyondang bakla," sagot naman ni frida na nagkakamot ng pekeng boobs.

at nag-agree kaming bakla si baby-faced aries. mashado siyang ma-byonda para maging straight. at naaamoy namin ang matress niya.

naka-tatlong iba't ibang dancer with i dont wanna miss a thing ni regine, kailangan kita ni piolo at butterfly ni mariah ang soundtrack. iba-iba ng style at gimik ang mga hitad. may naka-mulawin outfit, may isang gumamit ng net at may nag-pandanggo nang naka-jubad. nationalistic ang loka! clap kami nina frida.

huling tinawag si flaming rodrigo. wa ko knows kung bakit may i remember ako sa name-sung ng lola, e siya naman yung pinaka-chaka sa kanila. flaming kasi pwede na siyang silaban ng buhay. although, in fairness flawless ang mulato skin niya.

gumiling siya sa kantang i will be here ni kuya gary v. favorite song ko ito ... dati.

at dahil weakness ni frida ang mga nognog, constru look, "bakla, shumishelag ang nota ko ... nae-ella mae sayson akez."

humalakhak talaga si roxy, nakalimot ng kanyang urbanidad.

kayo man din siguro matatawa. baklang balahura kasi itong si frida, dragga ang look, mahaba ang buhok, medyo cup b na suso at naka-pekpek shorts pa 'to nang gumimik kami. tapos bigla niyang sasabihin na tumatayo ang nota niya. ako nga, nakalimutan ko nang may nota siya.

naghagikhikan na rin sina frida at roxy, parang yung mga bagetz. yagbols naman ata nila ang kinikiliti.

sa ikalawang ulit ng chorus, biglang huminto si flaming rodrigo at bumaba ng stage. linapitan kami na parang naghahanap ng away.

"anu prublima niyu? akala niyu ba madali 'tung ginagawa ku?" drama ni rodrigo. taruzh sa siyano accent.

"bakit? masama ba tumawa?" say ni frida, nakataas ang iginuhit na kilay.

"nakaka-bastus kayu ah."

at may i walk out si flaming rodrigo in his puta red brip. hindi niya na tinapos yung kanta.

lumapit samin yung pinaka-mama sang na medyo hawig kay markova (kaya nagbigay-pugay kami sa lola) at humingi siya ng pasensiya. nagpaka-irate customer itong si frida. siyempre, lumalabas na siya ang inapi. kaya gaya ni judy-ann sa mara clara, siya ang naging bida. at since agaw atensyon na ang mga bakla, nagdagdag kami ng order para makita nilang may karapatan kaming magtaray. nagdikit kami ng limang daan sa mga noo namin ("mayaman ako, dahling") para walang umangal.

ang hirap nga naman gumawa ng production number. pagpantasyahan ka ba naman ng mga ma-oondang kostomer na kulang-kulang sa ipin, mabaho hininga at magagaspang ang mga kamay tapos magkunwaring kang gusto mo rin sila habang linalamog ka nila. sanayan na rin lang talaga siguro, noh? at sinubukan kong gayahin kung paano sila magsayaw, ang sakit sa katawan nang bawat giling.

kaya nirerespeto ko yang mga yan. pwede rin kaya silang maging national artist for exotic dancing?

naiintindihan ko si flaming rodrigo at kung bakit siya nagmaganda. naisip ko rin, wala naman siyang isyu samin. may isyu siya sa sarili niyang trabaho.

"sori siya. ite-take home ko pa naman sana siya ..." parting words ni frida, nanghihinayang na kinakamot ang boobs.

Saturday, January 28, 2006

Si Claudine Bading?

obviously, hindi siya bakla. tatlong dinurog na chalk ang tinira ko kanina. pagpasensiyahan ang bangag.

nagkataon lang talaga na sa karamihan ng pelikula ni claudine e baklitang-baklita ang drama niya.

at pansin mo ba na puro na lang siya tanong?

pagdating sa bandang climax ng pelikula kung saan pinatutugtog ang theme song dahil nag-away sila ng leading man niya, o kaya naisip lang niyang magdrama e bigla niyang bibitawan etong mga tanong na 'to. and then mahihinto ka at mapapaisip ... tapos bigla mong ibubulong sa sarili, "ano daw?" pero umiiyak ka na rin. kacheapan.

remember got to believe, claudine and rico forever: "alin ang mas madali, pag-aralang mahalin ang taong nagmamahal sayo o umasang mamahalin ka ng taong mahal mo?"

baklang bakla yung linya, davah!?!?!

at wag ka, may MTV ang dalawa. as in, kumanta silang dalawa ng got to believe at ginawan pa ng MTV. ganyan talaga pag celebrity ka at marami kang pera, pwede kang gumawa ng album at hindi ka pwedeng kwestiyunin ninuman. sa baranggay ka man magreklamo, de-deadmahin ka lang ni chairman. tignan mo si manny pacqiao may album na may MTV pa. (para sayo ... ang laban na 'to ... wohoooow ....)

anyway gokongwei, na-catch mo ba yung question number 2 sa milan , together with piolo "anakan mo ako" pascual: "mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako o kailangan mo ko dahil mahal mo ko?"

clap talaga ako sa mga tanong na yan ...

as in baklang bakla talaga. sabi ng sisteraka ko na nakapanood ng dubai, e nagtanong na naman daw uli itong si ate claudine.

pero hindi ko napanood yun. hindi ako fan ni aga o ni john lloyd.

which makes me wonder, ano kaya susunod na pelikula ni claudine? siyempre kailangan lugar na naman so not to break the blockbuster chain.

IRAQ kaya? o NEPAL o AZERBAIJAN para mahirap mahirap i-market at i-fronounce.

tapos, second movie nila ito ni papa piolo. azz usual, love triangle sila ni ... drum roll fleeeez ... wanda ilusyunada. taruzh!!!

ipi-pitch ko talaga 'to. as in ipi-pitch ko talaga to to the powers that be, fromis. at shempre i-eksena ang lola mo. hindi pwedeng hindi!?!?!

tapos uunahan ko sa tanungan itong si claudine.

wanda: mahal mo ba ako dahil bakla ako o bakla ako dahil mahal mo ko?

piolo: pareho ...

claudine: pwede rin ba akong magtanong ...

wanda: hindi!

claudine: pelikula ko 'to ...

wanda: alin ang mas madali, pag-aralang mahalin ang baklang nagmamahal sayo o umasang bakla ang taong mahal mo?

piolo: sinong bakla? sinong bakla, ha? GAGO ka ha ...

wanda: claudine, ikaw na nga ...

Friday, January 20, 2006

Alin .. Alin .. Alin ang Naiba?

kasikatan ni madonna, debbie gibson, betamax, matitingkad na leggings at headband, at kulay dilaw na mga t-shirt nang huminto ang mundo ko at napakanta bigla ng "part of your world" kahit hindi pa ito nasusulat. kaka-survive ko pa lang ng growth gap years nang marealize ko na berde ang dugo ko. si kuya, isang halamang isda.

hindi ko sinisisi ang mahaliang gatas na hindi napainom sa akin ni mama noon. purita mirasol kami nang dalagita pa ako: payat, gusgusin, mahinhin, lampa, tahimik, maikli ang shorts at wala pang brip minsan. feel na feel ang pag lalaro ng bahay-bahayan, chinese garter, piko at mother may i cross the river. at dahil sindak sila sa towering height ko, lagi ako ang mother.

noon, object ako ng pang-aalaska ng mga tita at pinsan ko. tinatawag na "roderick," as in kuya dick "together forever" paulate (ay artistahin!). kasikatan ata ng petrang kabayo noon at binibining tsuperman kung saan siya bida. hindi pa ako aware noon mashado na "bakla" ang tawag sa malalamyang tulad niya. ang alam ko lang nakaka-aliw siya.

that time din pala, pinag-uusapan na ako at inaasar ng mga kalaro kong "bakla." sa murang edad, biktima na ako ng tsismis.

alam ko lang noon na nagkaka-crush ako sa mga lalaki kong kalaro at gusto ko silang laging kasama. naalala ko pa nga na crush ko isa sa mga binatilyo kong pinsan at nagpasama ako sa kanya sa kwarto kasi ... wala lang. madalas kong binabalik-balikan yung eksenang yon, medyo malabo at may echo gaya ng mga flashback sa tv. pilit kong iniintindi kung anong topak ang pumasok sakin noon. pag nagkikita kami ng pinsan kong 'yon, kinikilig pa rin ako.

first year highschool ako nang una kong matanggap na kakabit ng pleasing personality ko at ms. congeniality award ang salitang "bakla." at first year college naman ako nang lubos kong malaman na marami itong synonyms at variations.

at sabay ng pag-evolve ng mga salita at pagpapalit ng hairstyle ni madonna, nagpalit-anyo rin ang mga sirena. hindi lahat may kaliskis. hindi lahat may palikpik.

so far, eto ang alam kong scientific names ng mga bakla. (yet to be tried and tested by PAMET ...)


parlorista - eto yung mga baklitang nakikitang tumatambay sa parlor kasi doon sila nagta-trabaho. naniningil ng P80 bawat gupit o trim kay ate at nanay, pero libre sa mga effectionate na mga ohmbreng dadaan. karamihan sa kanila maraming kwento kaya masarap makipag-tsismisan. kung gusto mong malaman kung sinong kabit nino, chikka ka with them. at aminin, walang sing-beautiful ang gupit pag hindi gupit ng parlorista. feeling ko, ang misyon nila sa buhay ay paniguraduhing maganda ang tanawin.

closetta - eto yung mga walang nakaka-alam na bading sila. at medyo defensive pag nababanggit yung isyu. "sinong bading? bwakanang ... gripuhan kaya kita?!" ilag pati sila sa mga parlorista kasi alam nilang hasa ang radar ng mga lola mo. pero kahit ang asong si putol ay amuy na amoy siya, mega-deny pa rin si ate. maraming dahilan kung bakit siya may secret identity, gaya ni sailormoon. justifiable man yon o hindi, wala tayong paki-alam. dahilan niya 'yon. at laladlad din siya in his own time, parang butterfly ni ate mariah. kabilang dito ang ilang mga artistang hayaan na lamang natin sa loob ng aparador ni lola. (kung may alam kayo, i-chikka niyo naman)

pa-mhin - eto yung mga open sila sa katotohanang bet niya si kuya at ang kuya pa ng iba, pero hindi sila effem gaya rin ng ibang kuya na ngayon ate na. kilos lalaki pero pusong babae pero bitukang lalaki pa din. tanggap nila yung pagkatao nila kaya lang hindi lang sila sobrang expressive sa angking kabadingan. hindi dahil sa anemic sila sa green blood cells, pero kasi hindi lang nila trip mag pekpek shorts at spaghetti strap. eto yung mga madalas tumatarget at kumakarir ng kapwa bakla para maka-relasyon. taray!

silahis / silantro / bi - eto yung mga naglalaro sa gitna, mga patotot sa patintero. yung mga namamangka sa dalawang ilog. enjoying the best of both worlds, kumbaga. kaloka, kasi sila yung may napakaraming options. mapalalaki o babae, keri nila. minsan pa nga, pinagsasabay. of course, lalaki yung kabit para may korona at sceptre siya. pero yung iba sa mga ito, bakla talaga na nagkukuwari lang silahista. kasi gusto nilang mapaniwala ang sarili nilang iba sila. na may natitirang pagkalalaki pa sa kanilang ugat, kahit umaalingasaw ang matress niya. (please, stop me!?!) kwento sakin ng barkada ko, may na-meet siyang bi sa chat. bi daw siya, yun ang presscon. nang mag-meet sila, ayaw raw paawat ng foundation at ng kilay ni bi-kuno. bi-yot nga talaga.

bi-curious / straight curious - hindi ko rin mashadong getz ang difference nito. nakabitan lang ng salitang "curious" sa dulo, nag-iba na. ayon sa mga naka-eyebol ni kuya, ang take ko diyan e eto: ang mga bi-curious na nagsimulang lumitaw sa mga chatrooms sa internet ay mga lalaking nasa puntong exploration ng 3rd dimension. either hindi pa sila nakakapag-desisyon o kampante silang sumunod lamang sa agos. magalit na ang magalit, pero feeling ko, iisa lang dalampasigang babagsakan nito. sa galera ...

straight tripper - nagmula rin sa mga internet chatrooms, ang mga trippers ay tamang nagti-trip lang sa lahat ng aspeto ng salita. may halong duda rin ako sa mga ito gaya ng sa mga bi-curious. pero kasi karamihan sa mga nakilala ko, malakas lang talaga ang libido.

cross-dresser - eto ang mga tunay na ate: sa isip, sa salita at sa gawa. bihis at kilos babae. sabi ng kachukaran kong psychologist, mostly sa mga eto ay feeling naipanganak sa maling katawan. para sa kanila, sure silang dapat babae sila. siguro, nang mag-imbentaryo ng mga baby sa heaven, nagkaroon ng mix up. malay ko! at karamihan sa kanila, suki ng butika at best friend nila si pilar pilapil at si diane.

transexual - etong mga 'to, medyo may lalim ang pinaghugutan ng kabadingan. ang drama rin nila ay "woman trapped in a man's body." sabi ulit ng duktor kong friend, something to do with freud and family churvalu ... ewan. etong mga 'to ... plentious ng andalusha kasi nakapag-paretoke sila ng pagkalalaki nila. madalas eto gawin sa thailand. at in fairness, sa thailand, sing ganda sa states pero hindi sing mahal. wais! marami na ngang napipirata ngayon, pati pagkababae. (standing ovation ako diyan!?!)

transvestite - dito nabibilang ang mga drag queens. hindi ako sure sa etymological (taray!) background ng salitang ito, o kung may special na ibig sabihin ba ito na na-forget lang nina miriam at webster. pero according sa pelikulang napanood ko kung saan sina wesley snipes at john leguizamo ay napasuot ng panty hose at girdle, ang transvestite daw ay mga baklang sumobra sa fashion sense na hindi nakaya ng powers ng isang sexuality kaya ganon. (o, laban ka?)

hindi ako sure kung saan nanggaling ang mga "labels" na ito. nang magkamalay ako, andiyan na yang mga yan. at hindi ko ide-deny, natukso rin akong gamitin at ikategorya ang mga kapwa ko bakla.

nakakaloka nga minsang isipin na etong mga "labels" na ito ay mas madalas gamitin ng mga kabaklaan, lalu na sa mga chatrooms ng IRC at YM. at akalain mo, minsan may diskriminasyon pa sa loob mismo ng baklang lipunan. minsan mababa ang tingin ng isang grupo sa isa pa. habang ang isa naman nagmamataas. kaloka talaga!?!

e kung tutuusin, hindi mo naman makita ang pagkakaiba-iba. parang mga paninda minsan, iba-iba ng packaging pero pare-pareho rin ang laman. ang babae ay iba sa lalaki, and vice versa. pero mga tao pa rin sila. nasasaktan, natutuwa, nalilibugan. dahil sa pagkakaiba nakikita ang pagkakapareho. ano daw? sori, adik na ata ako.

hindi naman masama ang mga "labels." oo, hindi tayo mga damit, o mga folder sa filing cabinet. pero kasi minsan kailangan talagang i-define. gaya ng ang upuan ay furniture at ang star apple ay isang prutas na hindi ko pa natitikman o nakikita. parang ganon rin lang yon.

saka lang nagiging mali, pag ang tao ay kinakahon sa iisang salita. gaya ng bakla. parang si roderick paulate, hanggang ngayon bakla pa din sa tv. nababatukan. nanghihipo.

fine. sa totoong buhay may mga bakla talagang ganon. pero meron ding lalaking nababatukan at nanghihipo. at hindi tayo naaliw.

hindi kayang ikahon sa iisang salita ang pagkatao, mapa-lalaki man ito o babae o bading. sana alam ko na yan nung bata pa ako. malamang na-tsismis din akong nagra-rugby.

naririnig ko na sila ... ang mga kalaro ko ... "waaaaah!! baklang adik!!!"

Thursday, January 19, 2006

Sino ka Wanda?

hindi tayo magkakilala, pero madalas mo nang masilayan ang beauty ko.

akez ang kapatid mong lalaking panakaw na naglalaro ng barbie doll.

akez ang kumpare mong secretly in love sayo.

akez ang kalaro mo sa basketbol na bet ang physical contact, on and off court.

akez ang karpenterong pilit niloloko ang sarili kong lalaki ako, pero crush na crush yung mason.

akez ang consehal na over kung magpigil ng sarili, pero kabog si ate regine pag nakakakita ng flying ipis.

akez ang fratman na kumukupal sa mga cute na neophyte.

akez ang jowa ng mga bilat na walang kamalay-malay.

akez ang tambay ng starbux at iba pang kapihan kc naghihintay ng ka-eyebol.

akez ang member ng fitness first at iba pang mga health club, kc masaya sa loob ng sauna.

akez ang parloristang nag papaganda sa mga ate at nanay mo, at gumugupit sa buhok mo. at gustung-gusto mo ang gupit ko kc bumabalik ka sakin.

akez ang mga baklang masho-shondang rumarampa sa mga parke at plaza.

akez ay isa sa mga trans na nagpapa-pick up sa quezon ave.

akez ang anino ni diego, ang pambansang bading, at iba pang artistang bading na ginagawang katatawanan sa tv.

akez ang stand-up comedian sa mga bars na nang-ookray sa mga kaokray-okray kaya ok lang.

akez si magdalena, si mulan, si zsa zsa zaturnnah, si valentina, si sailormoon at lahat ng karakter sa tv, sine at komiks na pangarap naming isuot ang costume.

akez ang kandidata ng bawat miss gay beauty pageant sa pateros, tondo, taguig at kung saan saan pa.

akez ang bagets na kabisado lahat ng maliliit na detalye ng miss international, world at universe; at nakapili kami ng gusto naming evening gown.

akez ang nyoklang humahada sa madidilim na sulok ... pati na rin sa maliliwanag.

akez ang bading na minsan nangarap maging mermaid o prinsesang ikinulong sa napakataas na tore ng isang witch na chaka.

akez ang isa sa mga pumupuno sa maluluwang na kalye ng nakpil at orosa kahit ordinaryong araw.

akez ang mga paminta at mga effem, na kung iisipin mo wala namang pinagkaiba.

akez ay isa sa mga parokyano ng mga bath houses na nagkalat sa maynila.

akez ay isa sa mga anonymous names sa chatroom, naghahanap ng booking and/or relasyon.

akez ay ang baklang umiiyak pag nasasaktan, nagdudugo pag nasusugatan, humahalakhak pag may nadadapa. pusong babae, bitukang lalaki.

gaya mo rin ako ... iba lang talaga ang trip ko at ng ibang tulad ko ...

hindi dapat sabihing kaming mga bakla ay nabubuhay sa mundo ng ilusyon. kc unfair yon. lahat nag-iilusyon. kahit yung mga driver-sweet-lover, TODA at CONSTRU ay malalakas mag-ilusyon. kc ang pag-iilusyon bahagi ng kapangyarihan ng bawat nilalang -- mapalalaki ka man o babae. gift yan ni Papa God. (tenkyu po!) kaya go, gamitin mo.

ito ang mga kwentong parlor na naganap at nagaganap sa buhay ko at ng ibang katulad ko. at wag ka, ang dami na namin. meron na nga kaming sariling friendster, kala niyo. at mayroon naking sariling special day, parang mother's day o father's day. bobah!?! gay pride day, hindi happy gay day.

hindi ko layunin na maintindihan niyo ako o tanggapin ang mga bagay na sasabihin ko. pero sa mundong hinahaluan ng kulay ng pag-iilusyon, ito ay isa sa mga kaganapang tunay at totoo.

ako si wanda, at eto ang aking kwento. i just want u to know (naks, nosebleed!!!), gaya ng ibang mga kapatid ko sa pananampalataya, ang ganda-ganda ko ...

FINE! pati na nga ikaw!